Mga aktibidad sa Bulkang Mayon nananatili pa rin, habang nasa alert level 3

Mataas pa rin ang aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras. Patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.5 km sa Mi-isi Gully at 1.8 km sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 km mula sa crater nito. Nakapagtala ng 2 volcanic earthquakes, 308 rockfall… Continue reading Mga aktibidad sa Bulkang Mayon nananatili pa rin, habang nasa alert level 3

DILG, umapela sa publiko na makiisa sa kampanya laban sa iligal na droga

Ipinanawagan na ni DILG Secretary Benhur Abalos, Jr. sa publiko ang whole-of-nation approach sa paglaban sa iligal na droga. Kasabay nito ang paghimok na maging kampeon ng Buhay Ingatan Droga’y Ayawan Program sa kanilang mga komunidad. Ginawa ng kalihim ang apela sa pagdiriwang ng International Day against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) o World… Continue reading DILG, umapela sa publiko na makiisa sa kampanya laban sa iligal na droga

Public funds na inilaan sa Maharlika Investment Fund para sa social services, tiyak na hindi magagamit -Bureau of Treasury

Hindi raw magagamit ang pondo ng publiko sa Maharlika Investment Fund. Ito ang tiniyak ni National Treasurer Rosalia De Leon, sa gitna ng agam agam ng ilang grupo sa posibilidad na paggamit ng public funds na inilaan para sa social services ng pamahalaan. Sinabi ni De Leon na may inilaang P50-billion na pondo mula sa… Continue reading Public funds na inilaan sa Maharlika Investment Fund para sa social services, tiyak na hindi magagamit -Bureau of Treasury

Mayon Volcano, nakapagtala ng 308 rockfall events sa nakalipas na 24 oras -PHIVOLCS

Nakapagtala ng 308 rockfall events ang Mayon Volcano sa nakalipas na 24 oras. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakitaan din ang bulkan ng pag-collapse ng pyroclastic density current (PDC) na tumagal ng tatlong minuto at dalawang volcanic earthquake. Bukod dito, patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy ng lava na… Continue reading Mayon Volcano, nakapagtala ng 308 rockfall events sa nakalipas na 24 oras -PHIVOLCS

Dalawa sa tatlong Pinoy na nasa death row sa UAE, ginawaran ng pardon matapos ang inihaing apela ni PBBM

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si United Arab Emirates President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan dahil sa paggawad nito ng pardon sa tatlong nahatulang Pilipino doon. Dalawa sa tatlong pinagkalooban ng pardon ay napag-alamang nahaharap sa death penalty bunsod ng kinaharap na kasong may kinalaman sa droga habang ang isa naman ay… Continue reading Dalawa sa tatlong Pinoy na nasa death row sa UAE, ginawaran ng pardon matapos ang inihaing apela ni PBBM

DSWD, tinulungan ang mga pamilyang naipit sa engkuwentro ng militar at rebeldeng NPA sa Albay

May 75 pamilya ang kinakalinga ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa evacuation centers sa Guinobatan, Albay. Ayon kay DSWD Bicol Field Office Regional Director Norman Laurio, ang mga pamilya ay apektado ng bakbakan ng militar at New People’s Army sa barangay Agpay ng nasabing munisipalidad. Pinagkalooban na sila ng mga pagkain… Continue reading DSWD, tinulungan ang mga pamilyang naipit sa engkuwentro ng militar at rebeldeng NPA sa Albay

Lalaking inakusahang terorista, arestado dahil sa pag-iingat ng mga umano’y iligal armas

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang isang lalaking inakusahang terorista dahil sa umano’y pag-iingat ng mga iligal na armas Kinilala ang naaresto na si Amith Prem Chandiramani na dinakip sa bisa ng search warrant nang salakayin ang kaniyang bahay sa Dasmariñas City kung saan,… Continue reading Lalaking inakusahang terorista, arestado dahil sa pag-iingat ng mga umano’y iligal armas

HAPAG sa Barangay Project, inilunsad ng DILG sa Catanduanes

Inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lalawigan ng Catanduanes ang HAPAG sa Barangay o Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay Project nitong June 23. Pinangunahan ito ng DILG at Provincial Agricultural and Services Office, kasabay ng iba pang mga ahensya ng gobyerno. Napiling venue sa paglulunsad ang Barangay JMA Poniton, Virac… Continue reading HAPAG sa Barangay Project, inilunsad ng DILG sa Catanduanes

Mahigit 1K evacuees sa bayan ng Kapatagan, Lanao del Norte nakauwi na sa kanilang mga bahay

Nakabalik na sa kani-kanilang mga bahay ang 305 na mga pamilya o 1,331 na mga indibidwal ng bayan ng Kapatagan, Lanao del Norte na kailangang lumikas noong gabi ng June 21, 2023, dahil sa baha dala ng walang tigil na pag-ulan dulot ng Inter-tropical Convergence Zone. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Iligan kay Kapatagan Municipal… Continue reading Mahigit 1K evacuees sa bayan ng Kapatagan, Lanao del Norte nakauwi na sa kanilang mga bahay

Kalagayan ng kulungan sa Jolo, ipinasilip ng pamunuan ng PNP sa Sulu

Dagsa ang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa detention facility ng Jolo Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Sulu. Ito ani P/Lt.Col. Annidul Sali, Hepe ng Jolo MPS ang nadiskubre ng mga tauhan ng Sulu Police Provincial Office nang magtungo ang mga ito sa kanilang himpilan upang tingnan ang kalagayan ng… Continue reading Kalagayan ng kulungan sa Jolo, ipinasilip ng pamunuan ng PNP sa Sulu