P2-million na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa isang buy-bust operation sa Davao City

Nasamsam ang lampas P2-million na halaga ng pinaniniwalaang shabu mula sa itinuturing na number one sa high value target list sa Davao City, matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga pulis nitong Biyernes ng gabi (Hunyo 23, 2023). Sa pahayag na inilabas ng Davao City Police Office (DCPO), kinilala nito ang suspek na si Kurt… Continue reading P2-million na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa isang buy-bust operation sa Davao City

Paggunita sa Araw ng Maynila, pinangunahan ni Mayor Lacuna

Ginugunita ngayong araw ang Araw ng Maynila o ang ika-452 anibersaryo ng pagkatatag ng lungsod Maynila kasabay ng kapistahan ni St. John the Baptist. Mismong si Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rajah Sulayman sa Malate, Maynila. Pagkatapos ng maiksi at simpleng seremonya, isang civil and military parade naman… Continue reading Paggunita sa Araw ng Maynila, pinangunahan ni Mayor Lacuna

BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., binigyang pagkilala ng isang anti-corruption organization

Tumanggap si Bureau of Corrections Director-General Gregorio Catapang Jr., ng pagkilala matapos igawad ang World Integriry Prize at italaga bilang Person of Sincere Anti-Corruption Integrity ng Anti-Corruption Civil Movement General Federation. Pinarangalan si Catapang dahil sa kanyang pakikilahok sa international anti-corruption movement upang pagbutihin at ikalat ang kahalagahan ng integridad upang gawing malinis at transparent… Continue reading BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., binigyang pagkilala ng isang anti-corruption organization

Pang-aabuso sa mga mangingisdang Pinoy sa Namibia, pinaiimbestigahan ng party-list solon

Pinakikilos ni OFW party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino ang pamahalaan na imbestigahan ang napaulat na pang-aabuso sa ilang Pilipinong nagtra-trabaho bilang mangingisda sa Namibia. Kasunod ito ng repatriation ng nasa anim na overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang fisherfolk sa naturang bansa katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW) at… Continue reading Pang-aabuso sa mga mangingisdang Pinoy sa Namibia, pinaiimbestigahan ng party-list solon

Paggamit ng ghost receipts ng ilang malalaking kompanya, balak silipin sa Kamara

Plano ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na makipagpulong sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa paggamit ng ilang malalaking kompanya ng ‘ghost receipts’ o pekeng resibo dahilan para malugi ang gobyerno sa buwis. Kasunod ito ng paghahain ng kaso ng BIR sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga kompanyang… Continue reading Paggamit ng ghost receipts ng ilang malalaking kompanya, balak silipin sa Kamara

Ika-125 anibersaryo ng pagkatatag ng Philippine Revolutionary Government, ginunita sa Kawit, Cavite

Pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP ang selebrasyon ng 125th anniversary ng Philippine Revolutionary Government sa Dambanang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite kagabi. Binigyang pagkilala sa selebrasyon ang mga ahensya ng pamahalaan na itinatag noong panahon ng rebolusyonaryong pamahalaan ni Pangulong Emilio Aguinaldo matapos makalaya sa pananakop ng Espanya. Kabilang na… Continue reading Ika-125 anibersaryo ng pagkatatag ng Philippine Revolutionary Government, ginunita sa Kawit, Cavite

Calatagan, Batangas, niyanig ng lindol kaninang madaling araw -PHIVOLCS

Bandang alas-3:11 ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 4.3 ang bayan ng Calatagan sa Batangas. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pagyanig ay naramdaman din sa ilang lugar sa Cavite, Oriental at Occidental Mindoro. Natunton ang epicenter ng lindol sa layong 17 kilometro sa Timog-Kanluran ng Calatagan. May lalim na… Continue reading Calatagan, Batangas, niyanig ng lindol kaninang madaling araw -PHIVOLCS