Department of Migrant Workers, mahigpit na nakabantay sa sitwasyon ng OFWs sa Russia

Mahigpit na naka-monitor ang Department of Migrant Workers (DMW) sa sitwasyon sa Russia. Ito ay matapos na mag-aklas ang private military group na Wagner. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, mayroon silang koordinasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa pagmo-monitor ng sitwasyon sa lugar. Ipinunto naman ng DMW, na walang labor attaché… Continue reading Department of Migrant Workers, mahigpit na nakabantay sa sitwasyon ng OFWs sa Russia

Mga bakwit dahil sa bakbakan sa Maimbung, Sulu, nananatili sa mga evacuation center

Walang pang clearance mula sa mga kinauukulan na maaari nang bumalik, maging ang mga nagsilikas, sa karatig ng barangay ng Bualo Lipid tulad ng Lawm Maimbung, Poblacion at iba pa dahil sa posibilidad na magkaroon pa ng mga enkwentro sa patuloy na pagtugis ng PNP at AFP kay Mudjasan.

Maging bahagi sa mga hakbang laban sa Climate Change — Pangulong Marcos Jr.

Hinamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko, pribadong sektor, at lahat ng tanggapan ng pamahalaan na maging bahagi ng solusyon, at mga hakbang ng gobyerno upang labanan ang epekto ng Climate Change. Sa ika-160 anibersaryo ng Philippine Forestry Service at Philippine Environment month ngayong Hunyo, sinabi ng Pangulo na angkop na pag-isipan kung… Continue reading Maging bahagi sa mga hakbang laban sa Climate Change — Pangulong Marcos Jr.

Isang taong pamamahala ni Pangulong Marcos Jr., maganda – Sen. Bato Dela Rosa

Para kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, ‘so far, so good’ at maganda naman ang itinatakbo ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong mag-iisang taon na ang kanyang administrasyon. Hinihiling na lang ni Dela Rosa, na magtrabaho nang husto ang mga miyembro ng gabinete o mga alter ego ng presidente dahil sasalamin rin… Continue reading Isang taong pamamahala ni Pangulong Marcos Jr., maganda – Sen. Bato Dela Rosa

P5 bilyong, nakalaan para sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng NAIA

Tuloy-tuloy ang ginagawang pagsasaayos at pagpapaganda sa mga pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ay sa harap na rin ng napipintong pagsasapribado ng pangunahing paliparan ng Maynila gayundin sa dumaraming pasahero nito. Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Officer-In-Charge Brian Co, aabot sa P5 bilyong ang nakalaang pondo para sa pagsasaayos sa… Continue reading P5 bilyong, nakalaan para sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng NAIA

DTI Sec. Pascual, itinutulak ang mas matatag na trade at investment ties sa pagitan ng PH at UK

Nakipagpulong si DTI Secretary Alfredo Pascual sa British companies upang patatagin pa ang trade at investment ties sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom. Sa roundtable meeting kasama ang UK-ASEAN Business Council, pinagtibay ni Secretary Pascual ang patuloy na pagbangon ng bansa mula sa pandemyang dulot ng COVID-19 at pag-expand ng ekonomiya. Kinilala rin ng… Continue reading DTI Sec. Pascual, itinutulak ang mas matatag na trade at investment ties sa pagitan ng PH at UK

City Jail Female Dormitory sa Dagupan City, idineklarang drug-free workplace ng PDEA

Ganap nang Drug-Free Workplace ang Dagupan City Jail Female Dormitory matapos ang isinagawang assessment ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan Provincial Office. Kasabay nito, nagsagawa ng Drug-Free Workplace Program Orientation ang mga miyembro ng Preventive Education and Community Involvement (PECI) Team ng PDEA Pangasinan. Isinailalim sa oryentasyon ang mga kawani ng Dagupan District… Continue reading City Jail Female Dormitory sa Dagupan City, idineklarang drug-free workplace ng PDEA

Mga na-displace dahil sa bakbakan sa Sulu, mahigit 6,000 na

Nasa 1,174 na pamilya o 6,455 na indibidwal na ang nagsilikas dahil sa bakbakan na naganap nitong Sabado sa Maimbung, Sulu sa pagitan ng armadong grupo ni dating Vice Mayor Pando Mudjasan at mga tropa ng PNP at AFP na nagtangkang magsibli ng arrest at search warrant. Sa ulat na inilabas ni PNP Public Information… Continue reading Mga na-displace dahil sa bakbakan sa Sulu, mahigit 6,000 na

Philippine Looper na si Salas, muling bumisita sa Sulu upang isulong ang kaniyang adbokasiya

Muling bumisita sa Sulu ang sikat na Philippine Looper na si Victor Salas upang isulong ang kaniyang adbokasiya na gawing adventure destination ang lalawigan. Kasabay nito ani Salas, isasailalim niya sa pagsasanay ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan at tourism sa paggawa ng kuwintas na maaring ibenta sa mga lugar na dinarayo ng mga… Continue reading Philippine Looper na si Salas, muling bumisita sa Sulu upang isulong ang kaniyang adbokasiya

PNP, pinuri ni DILG Sec. Abalos dahil sa conviction ng tatlong middlemen sa Percy Lapid case

Pinuri ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang Philippine National Police dahil sa ginawang pagsisikap nito para mahatulan ang tatlong middlemen sa Percy Lapid murder case. Sinabi ni Abalos, sa simula pa lang, sinikap na ng pulisya na malutas ang kaso sa pakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation at Department of Justice. Pinasalamatan din ng… Continue reading PNP, pinuri ni DILG Sec. Abalos dahil sa conviction ng tatlong middlemen sa Percy Lapid case