Panawagang wakasan na ang “war on drugs” campaign, sinang-ayunan ni Sen. Hontiveros

Nakiisa si Senador Risa Hontiveros sa international community sa panawagang wakasan na ang “war on drugs” campaign ng pamahalaan. Sa paggunita ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, sinabi rin ni Hontiverso na nakikiisa siya sa mga bikitma ng war on drugs sa paghahanap ng hustisya, pagsasagawa ng mga polisiyang evidence-based at gender… Continue reading Panawagang wakasan na ang “war on drugs” campaign, sinang-ayunan ni Sen. Hontiveros

Desisyon ng SC hinggil sa ‘constitutionality’ ng pagpapaliban ng BSKE, welcome sa Albay Solon

Welcome para kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang desisyon ng Supreme Court na ideklarang unconstitutional ang RA 11935 o pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Aniya ang desisyong ito ng Korte Suprema ay nagpapatunay na tama ang kanilang pagtutol sa naturang batas dahil sa labag ito sa ating Saligang Batas. Paalala ng… Continue reading Desisyon ng SC hinggil sa ‘constitutionality’ ng pagpapaliban ng BSKE, welcome sa Albay Solon

Pagkakatalaga kay Atty. Larry Gadon bilang isang Presidential adviser, nasa discretion ni PBBM — Sen. Escudero

Binigyang-diin ni Senador Chiz Escudero na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. lang ang makapagsasabi kung nararapat ba si Atty. Larry Gadon sa ibinigay sa kanyang posisyon sa gobyerno. Ito ang tugon ng senador sa pagkaka-appoint kay Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation. Ayon kay Escudero, ang pagiging adviser sa Pangulo ay isang co-terminus… Continue reading Pagkakatalaga kay Atty. Larry Gadon bilang isang Presidential adviser, nasa discretion ni PBBM — Sen. Escudero

Kauna-unahang seafarers job fair ng DMW, inilunsad ngayong araw

Binuksan ngayong umaga ang 1st Seafarers Job Fair 2023 sa tanggapan ng Department of Migrant Workers sa Mandaluyong City bilang bahagi ng selebrasyon ng Day of the Seafarer. Nasa higit 1,500 job vacancies ang alok ng locally-based 25 manning agencies. Kabilang na rito ang trabaho sa mga traditional vessel gaya ng tanker, container, at cargo.… Continue reading Kauna-unahang seafarers job fair ng DMW, inilunsad ngayong araw

Raid sa isang POGO hub sa Las Piñas, patunay na sangkot ang mga POGO sa mga kriminal na aktibidad — Sen. Gatchalian

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na ang pinakabagong raid ng Kapulisan sa isang Philippine Offshore Gaming operator (POGO) hub ay isa na namang patunay kung bakit hindi na dapat pahintulutan ang operasyon ng mga POGO sa Pilipinas. Ipinunto ni Gatchalian na ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakasagip ng higit 2,000 manggagawang Pinoy at mga… Continue reading Raid sa isang POGO hub sa Las Piñas, patunay na sangkot ang mga POGO sa mga kriminal na aktibidad — Sen. Gatchalian

DOLE, namahagi ng livelihood packages sa 4Ps graduates sa Mandaluyong

Namahagi ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng livelihood packages sa mga 4Ps graduates sa Barangay Addition Hills, Lungsod ng Mandaluyong kaninang umaga. Ayon kay DOLE Assistant Regional Director Atty. Jude Thomas Trayvilla, nasa 28 Bigasan Package, dalawang Karinderya Package, apat na Nego karts, at isang Tailoring Package ang naipamahagi sa Brgy. Addition Hills… Continue reading DOLE, namahagi ng livelihood packages sa 4Ps graduates sa Mandaluyong

Bilang ng mga ipinade-deploy na marino, pabalik na sa pre-pandemic level — DMW

Unti-unti nang nakakabalik sa pre-pandemic levels ang bilang ng deployed seafarers. Base sa tala ng Department of Migrant Workers, nasa 385,239 na mga Pilipinong marino ang nakapaglayag noong 2022. Noong 2019, umabot ito sa 507,730 subalit bumaba sa 217,223 noong 2020 kung kailan unang kumalat ang COVID-19. Umaasa si DMW Usec. Hans Leo Cacdac na… Continue reading Bilang ng mga ipinade-deploy na marino, pabalik na sa pre-pandemic level — DMW

DOTr, iginiit na walang pinaboran na kumpanya sa pagbili ng plastic cards para sa driver’s license

Iginiit ng Department of Transportation o DOTr na walang pinaboran na kumpanya sa nangyaring procurement process o pagbili ng driver’s license plastic cards. Ito ay matapos ang mga pagpapahiwatig na nagkaroon ng pagpabor sa isang kumpanya para mai-award ang kontrata sa pag-deliver ng mahigit limang milyong plastic cards. Ayon kay Transportation Undersecretary for Administration and… Continue reading DOTr, iginiit na walang pinaboran na kumpanya sa pagbili ng plastic cards para sa driver’s license

Ilang lugar sa Makati City, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

Mawawalan ng tubig simula mamayang 9:30 ng gabi ang ilang bahagi ng Lungsod ng Makati dahil sa isasagawang line meter replacement ng Manila Water. Batay sa inilabas nitong advisory, mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay Valenzuela, Brgy. Poblacion, at Brgy. Olympia. Magtatagal ang nasabing maintenance activity hanggang alas-3 ng madaling araw bukas. Nagpaalala naman… Continue reading Ilang lugar sa Makati City, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

DAR, namahagi ng mga makinarya at kagamitang pansaka sa ARBOs sa Kalinga

Higit sa ₱48-M halaga ng farm machinery and equipment (FME) ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa 24 agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) sa lalawigan ng Kalinga. Pinangunahan mismo ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pamamahagi ng benepisyo sa mga ARBO ng Kalinga sa pagdiriwang ng 73rd Founding Anniversary ng Tabuk.… Continue reading DAR, namahagi ng mga makinarya at kagamitang pansaka sa ARBOs sa Kalinga