PITX, nakapagsilbi na ng mahigit 100 milyong pasahero

Nagpasalamat ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa publiko sa patuloy nitong pagtangkilik at pagtitiwala sa kanila. Ito ang inihayag ni PITX Corporate Affairs and Gov’t Relations Head Jason Salvador makaraang ipagmalaki nito na nakapagsilbi na sila ng 102,302,706 mga pasahero buhat nang buksan ito noong 2018. Ang PITX ay nagsisilbing terminal sa… Continue reading PITX, nakapagsilbi na ng mahigit 100 milyong pasahero

Mahigit P48-M halaga ng shabu, nasabat sa NAIA

Nasabat ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport – Inter Agency Drug Interdiction Task Group at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit 7 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 48,640,000. Ito’y matapos maharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa NAIA ang check-in luggage ng isang Canadian national matapos dumaan… Continue reading Mahigit P48-M halaga ng shabu, nasabat sa NAIA

Problema sa online payment, appointments ng mga aplikante ng pasaporte, tinutugunan na ng DFA

Problema sa online payment, appointments ng mga aplikante ng pasaporte, tinutugunan na ng DFA Pupusan nang nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) sa APO Production Unit Inc. Ito’y makaraang aminin ng APO na nakararanas ito ng problemang teknikal sa e-payments system nito na nagreresulta sa hindi pagkakatanggap ng passport… Continue reading Problema sa online payment, appointments ng mga aplikante ng pasaporte, tinutugunan na ng DFA

PNP, itinangging may nasawi sa isinagawang raid sa POGO sa Las Piñas City

Mariing itinanggi ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) na may nasawing dayuhan na kabilang naman sa mahigit 2,000 Online Workers sa Las Piñas City nitong Martes. Ito’y makaraang kumalat sa social media ang impormasyon hinggil na may 3 dayuhan na kabilang sa mga sinagip na online worker ang namatay sa ikinasang operasyon… Continue reading PNP, itinangging may nasawi sa isinagawang raid sa POGO sa Las Piñas City

Isang mamamahayag, sugatan sa pamamaril sa Quezon City

Kinumpirma ni Quezon City Police District (QCPD) Station 2 Commander Lt. Col. Resty Damaso na sugatan ang isang mamamahayag sa insidente ng pamamaril sa Barangay Masambong, Quezon City. Kinilala ang biktima na si Joshua Abiad ng Remate Online. Dinala na sa pagamutan ang mamamahayag. Sa ngayon, ayon kay  Lt. Col. Damaso ay sinusuri na nila… Continue reading Isang mamamahayag, sugatan sa pamamaril sa Quezon City

48 nailigtas na dayuhang biktima ng human trafficking, nagtangkang tumakas

Nagwala at nagtangkang tumakas sa mga awtoridad ang 48 dayuhan na kabilang sa 2,700 Pilipino at banyagang biktima ng human smuggling na nailigtas kamakalawa ng PNP Anti-Cybercrime group (ACG) sa Las Piñas . Sa ulat ni PNP ACG Director Police Brig. Gen. Sydney Sultan Hernia kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., nangyari ang… Continue reading 48 nailigtas na dayuhang biktima ng human trafficking, nagtangkang tumakas

Potensyal ng tea plantation sa Cordillera, pinag-aaralan

Pinag-aaralan ngayon ng Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. – FFCCCII ang posibilidad na maging major tea producer rin ang Pilipinas. Ito ay sa ilalim ng proyektong Tea Corridor kung saan tinitingnan ang potensyal na magkaroon ng tea plantations sa bansa partikular sa Cordillera region. Ayon kay FFCCCII President Cecilio Pedro,… Continue reading Potensyal ng tea plantation sa Cordillera, pinag-aaralan

Search and rescue ops para sa mga tripulante ng FB Genesis 2, itingil na ng PCG

Nagdesisyon na ang Coast Guard District Southeastern Mindanao na itigil ang search and rescue operations para sa mga nawawalang anim na crew ng FB Genesis 2. Ito ay matapos ang isang linggong paghahanap sa mga nawawalang tripulante. Ayon sa PCG, base sa kanilang nakuhang impormasyon ay posibleng na-trap ang anim na crew sa loob ng… Continue reading Search and rescue ops para sa mga tripulante ng FB Genesis 2, itingil na ng PCG

MMDA, patuloy ang paglulunsad ng mga programa at polisiya para sa pagsasaayos ng Kalakhang Maynila

Patuloy pa ring ilulunsad ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga programa at polisya para sa pagsasaayos ng National Capital Region. Ayon kay MMDA Acting Chairman Romanti Artes na isa sa kanilng nais paigtinging programa ay ang pagpapalakas ng Disaster Preparedness Training center, Motorcycle Riding Academy paglalagay ng body cameras sa lahat ng… Continue reading MMDA, patuloy ang paglulunsad ng mga programa at polisiya para sa pagsasaayos ng Kalakhang Maynila

Nasa 850 residente ng QC, nakatanggpap ng cash assistance mula sa DSWD

Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD ang 850 na mga residente ng 14 na mga barangay sa District 5 sa Quezon City. Kabilang sa ipinamigay ay ang ₱2,000 financial assistance, ₱4,000 educational assistance, at ₱5,000 hanggang ₱10,000 medical assistance. Ang mga benepisyasryo ay idinulog sa tanggapan ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael… Continue reading Nasa 850 residente ng QC, nakatanggpap ng cash assistance mula sa DSWD