DepEd, napanatili ang ISO certification sa Quality Management Systems

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napanatili ng Department of Education (DepEd) ang International Organization for Standardization (ISO) certification nito sa Quality Management Systems o QMS.

Ito ay matapos ang isinagawang surveillance audit ng TÜV NORD sa National QMS Pilot Offices ng ahensya nitong June 6 hanggang 7.

Ang TÜV NORD ay isa sa pinakamalaking inspection, certification at testing organizations sa buong mundo.

Matapos ang auditing at assessment ay idineklarang “no nonconformities” ang DepEd National QMS Pilot Offices kabilang ang Central Office, Regional Office IV-A CALABARZON, Schools Division Office ng Biñan City, Biñan Elementary School, at Biñan Integrated National High School.

Batay sa naturang surveillance audit, napanatili ng DepEd National QMS Pilot Offices ang pagbibigay nang maayos at kalidad na serbisyo nito.

Ang ISO ay isang international non-governmental organization na binubuo ng national standards bodies na layong tiyakin na maayos ang serbisyo at pamamalakad ng isang ahensya o negosyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us