Tulong ng MNLF sa pag-aresto kay ex-vice mayor Pando Mudjasan, hiningi ng PNP

Nagpatulong ang PNP sa Moro National Liberation Front (MNLF) para maaresto si dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, nahihirapan ang PNP na mahuli si Mudjasan dahil kabisado nito ang lokalidad at kinakanlong umano ng ilang teroristang grupo. Sinabi ni Fajardo na baka sakaling mapakiusapan ng MNLF na… Continue reading Tulong ng MNLF sa pag-aresto kay ex-vice mayor Pando Mudjasan, hiningi ng PNP

Bagong pasilidad para pasiglahin muli ang industriya ng Sugpo

Nagbukas ng panibagong pasilidad ang Southeast Asian Fisheries Development Center – Aquaculture Department (SEAFDEC/AQD) sa Tigbauan, Iloilo. Ginanap ang inagurasyon ng Black Tiger Shrimp Broodstock Facility kasabay sa pagdiriwang ng SEAFDEC/AQD ng kanilang ika-50 na anibersaryo. Ayon kay Aquaculture Department Chief Dan Baliao, layon ng SEAFDEC na pasiglahing muli ang Tiger Shrimp Industry ng bansa… Continue reading Bagong pasilidad para pasiglahin muli ang industriya ng Sugpo

6 sensory evaluation ng rainfed rice sa Calabarzon, isinagawa

Isinagawa ng Department of Agriculture (DA) CALABARZON Lipa Agricultural Research and Experiment Station ang Sensory Evaluation ng 6 na rainfed rice varieties sa 30 na magpapalay ng Tiaong, Quezon at San Juan, Batangas kamakailan. Ayon sa pabatid ng kagawaran, nilalayon ng nasabing sensory evaluation na alamin ang pinakaangkop, may pinakamaraming ani sa panahon ng tagtuyot… Continue reading 6 sensory evaluation ng rainfed rice sa Calabarzon, isinagawa

‘Right to care’ card ng QC LGU, pinuri ng Commission on Human Rights

Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang paglulunsad ng Quezon City local government ng ‘right to care’ card para sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, and Asexual (LGBTQIA) community. Sa pamamagitan nito, maaari nang magdesisyon patungkol sa kanilang kalusugan ang LGBTQIA couples para sa kanilang partners sa pamamagitan ng Special… Continue reading ‘Right to care’ card ng QC LGU, pinuri ng Commission on Human Rights

Pilipinas, European Union, muling kinondena ang patuloy na pagsalakay ng Russia sa Ukraine

Muling kinondena ng Pilipinas at ng European Union ang nagpapatuloy na pagsalakay ng Russia sa Ukraine. Sa Joint Statement na inilabas ng Pilipinas at EU, nagkasundo ang dalawa na kinakailangang makahanap ng mapayapang paraan sa mga kaguluhan habang nirerespeto ang international law at ang United Nations Charter. Muli ring nanawagan ang Pilipinas at EU sa… Continue reading Pilipinas, European Union, muling kinondena ang patuloy na pagsalakay ng Russia sa Ukraine

IACT, nagsimula nang manghuli ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA busway

Nagsimula na ngayong umaga na manghuli ang mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT) ng mga pribadong sasakyan na dumadaan sa EDSA Busway sa Pasay City. Nagpapatuloy ang isinasagawang panghuhuli ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT) laban sa mga pribadong sasakyang dumadaan sa EDSA Busway sa Pasay City. Karamihan sa mga nahuling motorista ngayong… Continue reading IACT, nagsimula nang manghuli ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA busway

Manila solon, pinapurihan si EJ Obiena sa pag-qualify sa 2024 Paris Olympics

Binati at pinapurihan ni Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano ang kapwa Manilenyo at Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa kaniyang pag-qualify sa 2024 Paris Olympics. Ayon kay Valeriano, hindi na siya nagtaka sa katatagan ni Obiena bilang laki aniya itong Tondo. Maliban dito, makikita naman talaga ang passion ng atleta sa kaniyang… Continue reading Manila solon, pinapurihan si EJ Obiena sa pag-qualify sa 2024 Paris Olympics

Brgy. San Roque sa Navotas, drug-cleared na

Nadagdagan pa ang mga barangay sa Navotas na ligtas mula sa panganib ng iligal na droga. Kasunod ito ng pagdeklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. San Roque bilang isa na ring Drug Cleared Barangay sa lungsod matapos pumasa sa mahigpit na assessment at validation sa ilalim ng Section 12 ng Dangerous Drugs… Continue reading Brgy. San Roque sa Navotas, drug-cleared na

Lawyers for Commuters’ Safety and Protection, tutol sa hirit na taas pasahe sa MRT-3

Hindi rin sang-ayon ang Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP) sa muling inihihirit na fare hike o taas pasahe sa Metro Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) Ayon kay Atty. Ariel Inton, Presidente ng LCSP, kung maaprubahan ang dagdag-pasahe, magiging dagdag na kalbaryo ito para sa mga pasahero lalo’t karamihan pa naman ng nagko-commute… Continue reading Lawyers for Commuters’ Safety and Protection, tutol sa hirit na taas pasahe sa MRT-3

Maharlika Investment Fund Bill, posibleng mapirmahan na ni PBBM sa susunod na linggo — SP Zubiri

Inaasahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mapirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Ito ay matapos ang inaasahang pagkakapirma ni House Speaker Martin Romualdez sa enrolled bill ng MIF ngayong linggo. Matapos mapirmahan ang MIF Bill ay ihahanda naman… Continue reading Maharlika Investment Fund Bill, posibleng mapirmahan na ni PBBM sa susunod na linggo — SP Zubiri