Mga job postings na kumakalat sa social media,tinawag na pamanlinlang at hindi totoo ng BIR

Pinasinungalingan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga job posting na kumakalat sa iba’t ibang social media platforms tulad ng Facebook at TikTok. Nilinaw ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. na walang kinalaman ang BIR sa pagpo-post ng trabaho at lahat ng ito ay puro mapanlinlang at pandaraya. Hinihikayat ng Bureau ang publiko na… Continue reading Mga job postings na kumakalat sa social media,tinawag na pamanlinlang at hindi totoo ng BIR

Mga crew ng motor tugboat na tangkang i-rescue ng coast guard team na nawawala, natagpuan na

Natagpuan nang ligtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong crew ng isang Motor Tugboat na tinangkang ire-rescue sa Appari, Cagayan ng nawawalang apat na miyembro ng Rescue Team ng Coast Guard. Ayon kay PCG Rear Admiral Armand Balilo, ang apat na coast guard na lang ang kanilang hinahanap ngayon. Umaasa sila na ligtas din… Continue reading Mga crew ng motor tugboat na tangkang i-rescue ng coast guard team na nawawala, natagpuan na

Kauna-unahang Pilipinang Cabinet Minister, itinalaga sa Canada

Ikinagalak ng Embahada ng Pilipinas sa Canada ang pagkakatalaga kay Member of the Parliament Rechie Valdez bilang Minister of Small Business. Ayon kay Philippine Ambassador to Canada Maria Andrelita Austria, ang pagkakatalaga kay Valdez ay ipinapakita lamang muli ang makabuluhang kontribusyon ng mga Filipino-Canadian. Umaasa ang embahador na marami pang mga Filipino-Canadians ang mabibigyan niya… Continue reading Kauna-unahang Pilipinang Cabinet Minister, itinalaga sa Canada

Inisyal na pinsala sa agri-fisheries sector, higit P832 milyon habang P1 bilyon ang sa imprastraktura -NDRRMC

Pumalo na sa P832,816,645 ang inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan dulot ng bagyong Egay at Habagat. Habang nasa P1.191 bilyon ang pinsala sa imprastraktura sa Region 1 MIMAROPA, Region 5, 6, 11, 12 at Bansamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sinabi ni Office of Civil Defense Spokesperson Edgar Posadas na may… Continue reading Inisyal na pinsala sa agri-fisheries sector, higit P832 milyon habang P1 bilyon ang sa imprastraktura -NDRRMC

PBBM, pinagsusumite ng report ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa buong Ilocos Region

Hiningan ng report ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa buong Ilocos Region. Sa situation briefing, sinabi ng Pangulo na kahit hindi pa pinal ang report dahil inaasahang tataas pa ang datos ng mga recorded damages ay nais niya ng makuha ang… Continue reading PBBM, pinagsusumite ng report ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa buong Ilocos Region

DSWD, naghatid ng relief supplies sa Calayan Island ngayong araw

May dalawang libong family food packs ang hinatid ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 sa Calayan Island. Ang food packs ay isinakay sa sasakyang pandagat para ipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Egay at habagat. Ang hakbang ng DSWD ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdimand R.… Continue reading DSWD, naghatid ng relief supplies sa Calayan Island ngayong araw

Resulta ng plebisito sa Bacoor, Cavite, inaasahang mailalabas bukas ng umaga ayon sa Commission on Elections

Bukas ng umaga inaasahang mailalabas ang resulta ng canvassing ng plebisito sa Bacoor, Cavite ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, inaasahang lalabas ang resulta ng canvassing sa pagitan ng alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng umaga. Sinabi ng opisyal na magsisimula ang pagbilang ng mga boto sa mga presinto sa… Continue reading Resulta ng plebisito sa Bacoor, Cavite, inaasahang mailalabas bukas ng umaga ayon sa Commission on Elections

Cash assistance at construction materials para sa mga nasalanta ng bagyong Egay, tiyak na ipagkalaloob ayon kay PBBM

Kapwa makatatanggap ng cash assistance at construction materials ang mga biktima ng kalamidad at residenteng nasiraan ng tahanan dulot ng bagyong Egay. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa situation briefing na ang pagbibigay ng tulong pinansiyal ay gagawin lalo’t may mga kailangan ang mga naapektuhan ng bagyo na hindi nila makukuha sa mga… Continue reading Cash assistance at construction materials para sa mga nasalanta ng bagyong Egay, tiyak na ipagkalaloob ayon kay PBBM

PBBM, namahagi ng tulong sa mga taga-Abra na isa sa mga matinding hinagupit ng bagyong #EgayPH

Kasabay ng pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang residente sa lalawigan ng Abra, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibabalik sa lalong madaling panahon ang lahat ng mga serbisyo na kinakailangan. Sinabi ng Pangulo na mula sa water supply at suplay ng kuryente ay ikakasa din ng pamahalaan ang rehabilitation at rebuilding kasunod… Continue reading PBBM, namahagi ng tulong sa mga taga-Abra na isa sa mga matinding hinagupit ng bagyong #EgayPH

Job postings na kumakalat sa social media, tinawag na mapanlinlang at hindi totoo ng BIR

Pinasinungalingan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga job posting na kumakalat sa iba’t ibang social media platforms tulad ng Facebook at TikTok. Nilinaw ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. na walang kinalaman ang BIR sa pagpo-post ng trabaho at ang mga ito ay puro mapanlinlang at pandaraya. Kaugnay nito, hinihikayat ng bureau ang… Continue reading Job postings na kumakalat sa social media, tinawag na mapanlinlang at hindi totoo ng BIR