Lider ng gun-for-hire at robbery gang, napatay sa engkwentro sa Cavite ng QCPD

Napatay ng pinagsanib na pwersa ng pulisya ang lider ng gun-for-hire at robbery gang sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite kaninang madaling araw. Kinilala ang napatay na si Gelbirth Albios Puerto, 30 taong gulang at residente ng Kaunlaran Horseshoe Drive, Cavite City, at lider ng “Bayawak at gun for hire group” sa Cavite. Ayon… Continue reading Lider ng gun-for-hire at robbery gang, napatay sa engkwentro sa Cavite ng QCPD

Kauna-unahang People’s Caravan ng NHA, dinaluhan ng 2K katao

Inilunsad na ng National Housing Authority (NHA) ang kauna-unahang People’s Caravan na ginanap sa Villa de Adelaida Housing Project sa Brgy. Halang, Naic, Cavite. May 2,000 benepisyaryo ang dumalo sa caravan na may temang “Serbisyong Dala ay Pag-asa.” Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano ang kahalagahan ng caravan sa mga… Continue reading Kauna-unahang People’s Caravan ng NHA, dinaluhan ng 2K katao

Resulta ng plebisito sa Bacoor, Cavite, inaasahang mailalabas bukas ng umaga ayon sa Commission on Elections

Bukas ng umaga inaasahang mailalabas ang resulta ng canvassing ng plebisito sa Bacoor, Cavite ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, inaasahang lalabas ang resulta ng canvassing sa pagitan ng alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng umaga. Sinabi ng opisyal na magsisimula ang pagbilang ng mga boto sa mga presinto sa… Continue reading Resulta ng plebisito sa Bacoor, Cavite, inaasahang mailalabas bukas ng umaga ayon sa Commission on Elections

Plebisito para sa pagsasanib at pagpapalit ng pangalan ng ilang barangay sa Bacoor, Cavite, isasagawa ngayong araw

Isasagawa ngayong araw ang plebisito upang ratipikahan ang pag-merge at pagpapalit ng pangalan ng ilang barangay sa Bacoor, Cavite. Ang plebisito ay isasagawa sa 22 voting centers na may 223 clustered precincts mula ngayong alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. Hinihikayat ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang mga rehistradong botante… Continue reading Plebisito para sa pagsasanib at pagpapalit ng pangalan ng ilang barangay sa Bacoor, Cavite, isasagawa ngayong araw

Cavite City LGU at DHSUD, nagpulong para sa posibleng partnership sa pabahay program ng pamahalaan

Naghayag ng kanyang matinding interes si Cavite City Mayor Denver Chua na sumali sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program ng administrasyon Marcos. Sa ulat ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), nakipagpulong na ang alkalde kay DHSUD Secretary Rizalino Acuzar para sa posibleng partnership sa pabahay program. Layon din nito… Continue reading Cavite City LGU at DHSUD, nagpulong para sa posibleng partnership sa pabahay program ng pamahalaan