Kontrata ng BSP sa service provider, nirerepaso para mapabilis ang pag-imprenta ng National ID

Inaaral ngayon ng legal team ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang posibleng pagbabago sa kontrata nito sa kanilang service provider na nag-iimprenta ng National ID. Ito’y matapos matanong sa deliberasyon ng 2024 budget ang estado ng National ID Program. Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief Dennis Mapa, sa target na 92 million National… Continue reading Kontrata ng BSP sa service provider, nirerepaso para mapabilis ang pag-imprenta ng National ID

Dollar reserves ng bansa, sapat — BSP Gov. Eli Remolona

Sapat ang dollar reserves ng bansa upang sanggain ang mga banta ng global economic slowdown at pagtaas ng interest rate ng US Federal Reserves.  Ito ang pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona. As of July, nasa $99.7-billion dollars ang gross international reserves ng BSP, tumaas ito mula $99.4-billion dollars noong end… Continue reading Dollar reserves ng bansa, sapat — BSP Gov. Eli Remolona

Mambabatas, ipinanawagan ang pagsasaayos ng programa at pagtuturo sa mga bagong pulis

Photo courtesy of Sen. Bato Dela Rosa FB page

Pinarerepaso ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa Philippine National Police (PNP) at sa Police National Training Institute ang kanilang Program of Instructions sa Public Safety Basic Recruit Course. Ito ay para maituro aniya nang maayos sa mga bagong rekrut na pulis ang tamang ‘police operational procedure’. Ang pahayag na ito ni dela Rosa ay… Continue reading Mambabatas, ipinanawagan ang pagsasaayos ng programa at pagtuturo sa mga bagong pulis

SP Zubiri, pinapa-blacklist ang mga Chinese contractors sa mga proyekto ng pamahalaan

Iminumungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na i-blacklist sa infrastructure projects ng pamahalaan ang mga Chinese contractor. Paliwanag ng Senate President, tila pera pa ng mga Pinoy taxpayer ang nagagamit sa iligal na panghihimasok at harrassment ng China sa mga Pilipino sa West Philippine Sea sa patuloy na pagtangkilik ng gobyerno sa Chinese state-owned… Continue reading SP Zubiri, pinapa-blacklist ang mga Chinese contractors sa mga proyekto ng pamahalaan

DA at PCA, sisimulan ang pagtatanim ng 100 milyong niyog ngayong buwan

Nakatakdang simulan ng Department of Agriculture at Philippine Coconut Authority ngayong buwan ang pagtatanim ng 100 milyong seedlings ng puno ng niyog. Ayon kay Philippine Coconut Authority Chairperson at Deputy Administrator Roem Rosales, nakikipag-usap na sila sa mga magsasaka na siyang pagkukunan ng mga nasabing punla. Saklaw ng nasabing planting at replanting project ang Mindanao… Continue reading DA at PCA, sisimulan ang pagtatanim ng 100 milyong niyog ngayong buwan

SSS, nagsagawa ng ‘RACE’ activity sa Lungsod ng Makati

Nagsagawa ang Social Security System o sss ng Run After Contribution Evaders activity sa lungsod ng Makati ngayong araw. Ayon sa SSS, nasa pitong employer ang lumabag sa lungsod kung saan aabot sa 152 employees ang naapektuhan ng hindi pagbabayad ng nasabing mga employer . Umabot sa P6.64 milyon ang halga ng mga benepisyong hindi… Continue reading SSS, nagsagawa ng ‘RACE’ activity sa Lungsod ng Makati

DOT, nakapagtala ng ₱286-B halaga ng tourism receipts mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon

Nakapagtala ang Department of Tourism ng aabot sa ₱286 bilyong halaga ng foreign tourism receipts mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon. Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang nasabing halaga ay naaayon sa 66 porsyentong ‘tourism international arrivals recovery’ ng bansa na mas mataas kumpara sa average ASEAN growth na 54% batay sa ikalawang UNWTO… Continue reading DOT, nakapagtala ng ₱286-B halaga ng tourism receipts mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon

COMELEC at iba’t ibang law enforcement agencies, muling magpupulong sa isang command conference

Muling magpapatawag ng isang Command Conference ang Commission on Elections (COMELEC) kasama ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa Agosto 22. Ito ang inihayag ni COMELEC Spokesperson, Atty. John Rex Laudiangco matapos ang isinagawang courtesy call sa kanila ng bagong Commanding General… Continue reading COMELEC at iba’t ibang law enforcement agencies, muling magpupulong sa isang command conference

Pagbabakuna ng Bivalent Vaccines sa lungsod ng Maynila, pansamantalang ititigil

Inanusyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na pansamantala muna nilang ititigil ang pagtuturok ng COVID-19 Bivalent Vaccines. Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, ini-ulat sa kanila ng Manila Health Department na naubos na ang kanilang suplays. Batay sa datos ng Pamahalaang Lungsod, aabot sa kabuuang 8,233 indibiduwal ang naturukanng Bivalent… Continue reading Pagbabakuna ng Bivalent Vaccines sa lungsod ng Maynila, pansamantalang ititigil

Relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Costa Rica, pinalalakas

Nagsagawa ng virtual meeting ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs na pinangunahan ni American Affairs Assistant Secretary Jose Victor Chan-Gonzaga kasama ang Ministry of Foreign Affairs and Worship Head for Bilateral Affairs ng Costa Rica na si G. Rolando Madrigal upang talakayin kung paano pa mapapatibay ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas… Continue reading Relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Costa Rica, pinalalakas