Nananatili pa ring mataas ang aktibidad ng Mayon Volcano sa Legaspi, Albay.
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala pa
ang bulkan ng 221 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras kabilang ang 111 tremor events na tumagal ng isa hanggang 28 minuto.
Ilan sa mga tremors ay may kasamang rumbling sounds na naririnig sa loob ng 7-km radius mula sa crater ng Mayon.
Karagdagan pa dito ang na-detect na 152 rockfall events, 3 PDCs, at 3 lava front-collapse.
Naitala din ng Phivolcs ang average na 799 tons ng volcanic sulfur dioxide na ibinuga kahapon.
Tuloy tuloy pa rin ang pagpapalabas nito ng lava na mabagal na dumadaloy sa Bonga, Mi-isi at Basud gullies.
Nakataas pa rin ang alert level 3 sa bulkang Mayon na mapanganib pa rin sa publiko. | ulat ni Rey Ferrer