Mas mataas na kita at mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino, matitiyak sakaling maisabatas ang Tatak Pinoy bill — Sen. Angara

Naniniwala si Senador Sonny Angara na magiging malaking tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas sakaling maisabatas ang Tatak Pinoy bill, na isa sa priority bills ng administrasyon. Ipinaliwanag ni Angara, na layon ng panukalang ito na palakasin ang iba’t ibang industriyang Pinoy, magbigay ng mga oportunidad at pataasin ang kita ng mga Pilipino. Isinusulong… Continue reading Mas mataas na kita at mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino, matitiyak sakaling maisabatas ang Tatak Pinoy bill — Sen. Angara

RCEF “menu”, pinaaamyendahan ng isang mambabatas

Hiniling ni Deputy Speaker Ralph Recto na amyendahan ng Kongreso ang Rice Tariffication Law, partikular ang mga programang pinopondohan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). Punto ni Recto, sa pagpapataw ng price cap sa bigas ay bumaba naman bigla ang farmgate price ng palay mula sa P19 per kilo mula sa dating P23. Para sana… Continue reading RCEF “menu”, pinaaamyendahan ng isang mambabatas

𝐕𝐏 𝐒𝐀𝐑𝐀 𝐃𝐔𝐓𝐄𝐑𝐓𝐄, 𝐈𝐆𝐈𝐍𝐈𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐏𝐀𝐏𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌𝐀 𝐍𝐆 𝐎𝐕𝐏 𝐒𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐍𝐅𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐈𝐀𝐋 𝐅𝐔𝐍𝐃

Dinepensahan ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng confidential fund ng Office of the Vice President (OVP). Sa naging pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance tungkol sa panukalang pondo ng OVP para sa susunod na taon, ipinaliwanag ni VP Sara na ginagamit ang naturang pondo para matiyak na ligtas at matagumpay ang… Continue reading 𝐕𝐏 𝐒𝐀𝐑𝐀 𝐃𝐔𝐓𝐄𝐑𝐓𝐄, 𝐈𝐆𝐈𝐍𝐈𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐏𝐀𝐏𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌𝐀 𝐍𝐆 𝐎𝐕𝐏 𝐒𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐍𝐅𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐈𝐀𝐋 𝐅𝐔𝐍𝐃

Pagbuo ng batas para tuluyan nang mapagbawal ang panghihingi ng perang kontribusyon mula sa mga estudyente, minungkahi ni VP at Educ Sec Sara

Minungkahi ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte sa mga senador na bumuo ng isang batas na magbabawal sa panghihingi ng kontribusyon sa mga estudyante. Ginawa ng bise presidente ang pahayag matapos ang pagbabahagi ni Senador Raffy Tulfo sa patuloy na panghihingi ng kontribusyon sa mga estudyante para sa mga pangangailangan sa klasrum.… Continue reading Pagbuo ng batas para tuluyan nang mapagbawal ang panghihingi ng perang kontribusyon mula sa mga estudyente, minungkahi ni VP at Educ Sec Sara

Mga kandidato sa BSKE sa Ilocos Norte, higit 15K

Kinumpirma ni Provincial Election Supervisor Atty. Alipio Castillo na mahigit 15 libo ang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Ilocos Norte. Sa panayam kay Atty. Castillo, naging positibo naman para sa kanila ang dami ng mga kandidato sa Ilocos Norte kung saan nagiging aware o interesado ang publiko sa pulitika. Isa rin… Continue reading Mga kandidato sa BSKE sa Ilocos Norte, higit 15K

Negosasyon para sa pagpapatayo ng permanenteng tanggapan ng OVP, nagpapatuloy pa

Ongoing pa rin ang negosasyon para sa pagpapatayo ng permanenteng tanggapan at gusali ng Office of the Vice President (OVP). Sa pagdinig ng panukalang pondo ng OVP para sa susunod na taon, kabilang ang pagpapatayo ng permanenteng gusali sa tatong major projects ng OVP. Ayon kay OVP Chief of Staff Zuleika lopez, sa ngayon ay… Continue reading Negosasyon para sa pagpapatayo ng permanenteng tanggapan ng OVP, nagpapatuloy pa

Mas mabigat na parusa laban sa road rage, ipinapanukala sa Kamara

Inihain ni Deputy Majority leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang isang panukala para patawan ng mas mabigat na parusa ang road rage. Kasunod na rin ito ng insidenteng kinasangkutan ng isang dating pulis at siklista sa Quezon City. Dito kinasahan pa ng baril ng dating pulis ang siklista. Hindi naman na naghain ng… Continue reading Mas mabigat na parusa laban sa road rage, ipinapanukala sa Kamara

MiDA-WestMin, nakilahok sa isinagawang Pre-Summit Workshop ng DA-IX

Nakilahok ang Mindanao Development Authority (MinDA) Area Management Office – Western Mindanao sa isinagawang Pre-Summit Workshop ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office IX sa lungsod ng Zamboanga kamakailan. Ang naturang workshop ay bilang paghahanda para sa nalalapit na Zamboanga Peninsula Agro-Industrial Summit on Food Security. Iprinisenta ni MinDA Investment Promotion and Public Affairs… Continue reading MiDA-WestMin, nakilahok sa isinagawang Pre-Summit Workshop ng DA-IX

Mungkahi ng mga stakeholder para mapahusay ang ‘Pambansang Pabahay’ program, welcome sa DHSUD

Bukas ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga mungkahi upang higit pang mapahusay ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, partikular dito ang mga rekomendasyon mula sa mga stakeholder, partikular ang mga mambabatas para sa kapakinabangan… Continue reading Mungkahi ng mga stakeholder para mapahusay ang ‘Pambansang Pabahay’ program, welcome sa DHSUD

DSWD, bumili ng mga sasakyan para palakasin ang Oplan Pag-Abot program

Bumili ng bagong fleet ng mga sasakyan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para gamitin sa kanilang kampanya na Oplan Pag-Abot sa Metro Manila at iba pang national urban centers sa bansa. Sinabi ni Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez na ang pagkuha ng 12 brand-new vehicles ay para mapalakas at mapalawak… Continue reading DSWD, bumili ng mga sasakyan para palakasin ang Oplan Pag-Abot program