DOTr, target magtayo ng 400 kilometrong bike lanes sa bansa ngayong taon

Plano ng Department of Transportation (DOTr) na palawakin pa ang bicycle lanes sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ito ang pahayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista, matapos pangunahan ang groundbreaking ng expansion ng bike lanes sa Lipa at Batangas City, ngayong araw. Ayon kay Bautista, magtatayo ng nasa 400 kilometers na bike lanes sa bansa… Continue reading DOTr, target magtayo ng 400 kilometrong bike lanes sa bansa ngayong taon

Dagdag na abogado at IT, kailangan ng Ombudsman

300 hanggang 500 abogado ang target na i-hire ng Ombudsman ngayong taon upang mapabilis ang pagdinig at talakay sa mga kasong inihahain sa kanila. Ito ang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires nang matanong kung kailan mapupunan ang nasa 47% na bakanteng plantilla position ng tanggapan. Ayon kay Justice Martires, mas nakatutok sila sa pagkuha ng… Continue reading Dagdag na abogado at IT, kailangan ng Ombudsman

22 suspected election related incidents, naitala ng PNP

  Iniulat ng Philippine National Police (PNP), 22 na ang naitala nilang suspected election related incidents (ERI) base sa datos kaninang alas-8 ng umaga. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, sa bilang na ito dalawa na ang kumpirmadong insidente ng karahasan na may kaugnayan… Continue reading 22 suspected election related incidents, naitala ng PNP

Concensus Building, nais bigyang halaga ni VP Sara Duterte para mapanatili ang insurgency-free status sa Davao Region

Iginiit ni Vice President Sara Z. Duterte sa lahat ng sektor ng pamahalaan na bigyang halaga ang Concensus Building sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Davao Region matapos itong ideklarang insurgency-free. Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Peace Village Exhibit sa SM City Davao, sinabi ng Pangalawang Pangulo na malaking bagay ang Concensus Building sa pagdinig… Continue reading Concensus Building, nais bigyang halaga ni VP Sara Duterte para mapanatili ang insurgency-free status sa Davao Region

Mga Pilipino sa Morocco, ‘di pa nagpapahayag na nais bumalik ng Pilipinas kasunod ng 6.8 magnitude na lindol

Nasa maayos na kondisyon ang mga Pilipino sa Morocco, at patuloy lamang ang kanilang paghahanap buhay doon. Pahayag ito ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes, kasunod ng magnitude 6.8 na lindol na tumama doon, noong Biyernes (September 8) na kumitil na ng higit 2,000 buhay. “Wala naman pong mga kababayan natin na naiulat na… Continue reading Mga Pilipino sa Morocco, ‘di pa nagpapahayag na nais bumalik ng Pilipinas kasunod ng 6.8 magnitude na lindol

Community Disaster Preparedness, inilunsad ng DSWD at LGU sa bayan ng Midsayap, North Cotabato

Inilunsad na sa bayan ng Midsayap ang ‘Building on Social Protection for Anticipatory Action and Response in Emergencies and Disasters’ o B-SPARED Project. Ang proyekto ay inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO), Midsayap Local Government, at Cotabato Provincial government. Isang Memorandum of Understanding… Continue reading Community Disaster Preparedness, inilunsad ng DSWD at LGU sa bayan ng Midsayap, North Cotabato

Renta ng mga apektadong rice retailer sa Valenzuela, ililibre na ng pamahalaang lungsod

Ililibre na ng Valenzuela Local Government ang tatlong buwang renta ng mga maliliit na rice retailer sa lungsod na apektado ng EO 39. Inanunsyo ito ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian kasunod ng pag-iikot nito sa palengke ng Brgy. Maysan upang inspeksyunin kung nakakasunod sa price ceiling ang mga nagtitinda ng bigas. Ayon sa alkalde, inaasahan… Continue reading Renta ng mga apektadong rice retailer sa Valenzuela, ililibre na ng pamahalaang lungsod

DA, nagbukas na ng Kadiwa store sa Bilibid

Magkatuwang na inilunsad ng Department of Agriculture at Bureau of Corrections ang unang Kadiwa pop-up store sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City . Sa pamamagitan nito, magkaroon na ng access ang mga Persons Deprived of Liberty maging ang mga residente at BuCor employees na makabili ng sariwa at murang halaga ng pagkain at basic… Continue reading DA, nagbukas na ng Kadiwa store sa Bilibid

DTI Sec. Pascual, muling iginiit na mahaharap sa kaso ang mga rice retailer na hindi susunod sa price ceiling sa bigas

Muling iginiit ni Trade Secretary Alfredo Pascual na mahaharap sa kaso at pagkakulong ang mga rice retailer na hindi susunod sa itinakdang price ceiling sa presyo ng bigas. Ayon sa kalihim, paptawan nila ng ‘show cause order’ ang mga lalabag sa naturang kautusan upang magpaliwanag at kakasuhan na maaring magmulta na aabot sa mula P5,000… Continue reading DTI Sec. Pascual, muling iginiit na mahaharap sa kaso ang mga rice retailer na hindi susunod sa price ceiling sa bigas

Mga tindero ng murang bigas sa Mandaluyong Public Market, ililibre sa puwesto ng LGU

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ang mga rice retailer sa Mandaluyong City Public Market 2 sa tulong na ipaaabot sa kanila ng pamahalaan. Maliban kasi sa P15,000 ayuda, pinangakuan pa ang mga ito ng lokal na pamahalaan na malilibre pa sa renta ng kanilang puwesto gaya ng ginawa sa Lungsod ng San Juan nang… Continue reading Mga tindero ng murang bigas sa Mandaluyong Public Market, ililibre sa puwesto ng LGU