Senador Chiz Escudero sa Bureau of Customs: “Kasuhan na ang mga rice smuggler”

Kinalampag ni Senador Chiz Escudero ang Bureau of Customs (BOC) na kasuhan na ang mga rice smuggler at hoarder, matapos ang maraming raid sa mga warehouse ng bigas nitong mga nakalipas na buwan. Tanong ni Escudero, bakit hindi pa pinapangalanan sa publiko ang traders at operators na sangkot sa mga warehouse na na-raid ng mga… Continue reading Senador Chiz Escudero sa Bureau of Customs: “Kasuhan na ang mga rice smuggler”

Kauna-unahang Halal App na tutugun sa mga halal services sa bansa, inilunsad!

Isinasagawa ngayon sa Makati City ang paglulunsad ng kauna-unahang Halal App sa bansa na makakatulong sa ating mga kababayan sa paghahanap ng Halal services. Ang Zouq App na pinangunahan ng kanilang Chairman /CEO na si Mohamad Aquia ng Zouq halal software corp, ibinahagi nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Halal presence online dahil aniya, itoy… Continue reading Kauna-unahang Halal App na tutugun sa mga halal services sa bansa, inilunsad!

Kuha ng CCTV sa mga suspek sa pamamaril sa abogado sa Abra, inilabas ng PNP

Inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang larawan mula sa CCTV footage ng mga suspek sa pamamaril at pagpatay kamakailan kay Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate sa Abra. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, nanawagan si PNP Public Information Office Chief Police Police Colonel Jean Fajardo sa publiko, na tumulong sa pagkilala sa mga… Continue reading Kuha ng CCTV sa mga suspek sa pamamaril sa abogado sa Abra, inilabas ng PNP

3-Day Rice Technology Forum ng DA, dadaluhan ng 2,000 participants

RemasterDirector_1a5c03258

Ilulunsad na simula bukas, September 19 hanggang September 21, 2023, sa Probinsya ng Davao del Sur ang 16th National Rice Technology Forum (NRTF) ngDepartment of Agriculture (DA) sa pakipagtulungan ng Rice Board. Mayroong temang “Masaganang Palay at Bigas, Maunlad na Pilipinas,” ang forum ay naglalayong isulong ang pag-adopt ng hybrid rice technology at i-showcase ang… Continue reading 3-Day Rice Technology Forum ng DA, dadaluhan ng 2,000 participants

Mga residente ng Paniqui, Tarlac, nabigyan ng tulong ng PCSO

Namahagi ng tulong ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa mga residente ng Paniqui, Tarlac. Layon ng programa na mabigyan ng tulong ang mga mahihirap na komunidad sa iba’t ibang lugar sa bansa. Pinangunahan ni PCSO Director Jennifer Guevarra ang pagbibigay ng 1,000 food packs sa mga benepisyaryo sa Eduardo Cojuangco Gymnasium. Bukod dito ay… Continue reading Mga residente ng Paniqui, Tarlac, nabigyan ng tulong ng PCSO

MMDA, pag-aaralan ang suhestiyon na taasan ang multa sa mga jaywalker sa EDSA at C-5

Pag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suhestiyon na taasan ang multa sa mga jaywalker o tumatawid sa maling tawiran sa EDSA at C-5. Ito ay matapos na mabundol ng motorsiklo ang isang pedestrian habang naglalakad sa lagpas sa bike lane, sa bahagi ng EDSA Guadalupe Southbound, kagabi. Sugatan ang biktima at ang driver… Continue reading MMDA, pag-aaralan ang suhestiyon na taasan ang multa sa mga jaywalker sa EDSA at C-5

Senador Jinggoy Estrada, nanawagan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na aksyunan ang paninira ng Chinese militia vessels sa corals sa Rozul Reef at Escoda Shoal

Umaasa si Senate Committee on National Defense chairman Senador Jinggoy Estrada na magsasagawa ng agarang aksyon ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kaugnay ng natuklasang paninira ng bahura o corals sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Pinahayag ni Estrada na seryoso at nakakabahala ang pangyayaring ito. Giniit ng… Continue reading Senador Jinggoy Estrada, nanawagan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na aksyunan ang paninira ng Chinese militia vessels sa corals sa Rozul Reef at Escoda Shoal

Pagsuspinde sa excise tax ng tatlong buwan, isa sa nakikitang solusyon para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo

Magkakasa ng panibagong pulong ang Kamara at mga oil company sa susunod na linggo upang maplantsa ang magiging solusyon sa patuloy na oil price hike. Ayon kay Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, maraming inilatag na suhestyon para ibsan ang epekto ng oil price hike, isa na nga rito ang pagsuspinde sa ipinapataw na excise tax… Continue reading Pagsuspinde sa excise tax ng tatlong buwan, isa sa nakikitang solusyon para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo

Mindanao Solon, naghain ng panukalang tanggalin ang administrasyon ng Hajj sa Nat’l Commission on Muslim Filipinos

Naghain ng panukalang batas si Deputy Minority leader at Basilan Representaive Mujiv Hataman, upang tanggalin ang kapangyarihan at functions ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa taunang Hajj pilgrimage. Ayon kay Hatama, taon-taon na lamang na marami sa mga Filipino Muslim ang stranded o dumadaan sa matinding paghihirap sa kanilang pagganap ng Hajj, dahil… Continue reading Mindanao Solon, naghain ng panukalang tanggalin ang administrasyon ng Hajj sa Nat’l Commission on Muslim Filipinos

Coral harvesting ng China sa WPS, maaaring panimula ng reclamation ayon kay sen. Tolentino

Ipinunto ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Senador Francis Tolentino na maaaring panimula sa reclamation ang nadiskubreng coral harvesting o paninira ng bahura ng mga Chinese militia vessels sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea. Tingin ni Tolentino, posibleng may ibang plano ang China sa naturang lugar at… Continue reading Coral harvesting ng China sa WPS, maaaring panimula ng reclamation ayon kay sen. Tolentino