Ina ng grade 5 student sa Antipolo City na nasawi matapos sampalin ng guro, nanawagan ng hustisya kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte

Nanawagan ng hustisya ang ina ng Grade 5 student sa Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City na nasawi matapos umanong sampalin ng guro. Kinilala ang biktima na si Francis Jay Gumikib, 14 na taong gulang. Personal na nakausap ng Radyo Pilipinas ang nagdadalamhating ina ni Francis na si Elena Minggoy at ibinahagi nito ang nangyari… Continue reading Ina ng grade 5 student sa Antipolo City na nasawi matapos sampalin ng guro, nanawagan ng hustisya kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte

Mababang bilang ng mga scholar sa ilalim ng Doktor Para sa Bayan program ng gobyerno, napuna ng isang senador; CHED, nagpaliwanag

Napuna ni Senador Joel Villanueva ang hindi maabot na target na mga iskolar para Doktor Para sa Bayan program ng gobyerno. Sa pagdinig ng panukalang 2024 budget ng Commission on Higher Education (CHED) iprinesenta ni Villanueva ang datos kung saan para sa academic year 2021-2022, sa 900 slots para sa mga scholars ay 425 lang… Continue reading Mababang bilang ng mga scholar sa ilalim ng Doktor Para sa Bayan program ng gobyerno, napuna ng isang senador; CHED, nagpaliwanag

DSWD, patuloy pa ang pamamahagi ng SLP-cash aid sa mga sari-sari stores, micro rice retailers

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtuloy-tuloy pa ang pamamahagi ng cash aid sa sari-sari store owners at micro rice retailers sa bansa. Ngayong maghapon, nakatuon ang simultaneous payouts ng Sustainable Livelihood Program (SLP) – Cash Assistance sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region (CAR), at MIMAROPA Region. Mahigit 800 small-scale… Continue reading DSWD, patuloy pa ang pamamahagi ng SLP-cash aid sa mga sari-sari stores, micro rice retailers

Listahan ng mga kandidato para sa tatlong mga posisyon sa MIC, maaaring isumite na kay PBBM ngayong linggo – DOF

Posibleng maisumite na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong linggo ang listahan ng mga kandidato para sa tatlong matataas na posisyon ng Maharlika investment corporation (MIC) – ito ang para sa president and CEO ng MIC, regular directors at independent directors. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang 2024 budget ng Department… Continue reading Listahan ng mga kandidato para sa tatlong mga posisyon sa MIC, maaaring isumite na kay PBBM ngayong linggo – DOF

Higit 63,000 PDLs, tiyak nang makaboboto sa Barangay at SK Elections

Mahigit 63,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) na registered voters ang tiyak na makaboboto sa darating na Barangay at SK Elections. Ngayong araw, pormal nang nilagdaan sa Central Office ng Bureau of Jail Management and Penology ang Tripertite Memorandum of Agreement sa pagitan ng Commission on Elections (Comelec), Public Attorney’s Office at Bureau of Jail Management… Continue reading Higit 63,000 PDLs, tiyak nang makaboboto sa Barangay at SK Elections

Mas pinag-ibayong pagpapaunlad ng Eastern Visayas, ikinasa!

Ito’ y sa pangunguna ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na siya ring Cabinet Officer for Regional Development & Security (CORDS) ng rehiyon. Sa pagdalaw sa rehiyon ngayon ng kalihim, pinulong nito ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya sa pamanagitan ng Eastern Visayas Joint Regional Task Force to… Continue reading Mas pinag-ibayong pagpapaunlad ng Eastern Visayas, ikinasa!

Sen. Risa Hontiveros, kumpiyansang mapapangalagaan ng DSWD ang mga dating miyembro ng sinasabing kulto sa Surigao del Norte

Tiwala si Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Senator Risa Hontiveros, na mabibigyan ng DSWD ng kinakailangang kalinga at proteksyon ang mga dating miyembro ng sinasabing kulto na Socorro Bayanihan Services Inc (SBSI). Ito ay matapos makumpirma na nasa protective custody na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang ilan… Continue reading Sen. Risa Hontiveros, kumpiyansang mapapangalagaan ng DSWD ang mga dating miyembro ng sinasabing kulto sa Surigao del Norte

Higit P300-M na advertising fund ng PCSO, pinalilipat ng isang mambabatas para sa psoriasis treatment

Hinimok ng isang mambabatas ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ilipat na lang ang higit P300 million nitong advertising budget, para tulungan ang mga Pilipinong may psoriasis. Ayon kay AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes, maigi na ilipat na lang ng PCSO ang P340 million nitong inilaan para sa advertisement pang gamot sa sakit na… Continue reading Higit P300-M na advertising fund ng PCSO, pinalilipat ng isang mambabatas para sa psoriasis treatment

Immigration policies ng Pilipinas, ibinida sa Thailand partikular na ang Anti-Human Trafficking campaign

Ibinida ng Bureau of Immigration (BI) sa Thailand ang best practices sa pagsugpo ng human trafficking sa ating bansa tulad ng Ninoy Aquino International Airport Task Force Against Trafficking (NTFT) at ibang task force ng BI. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ipinakita ng ating bansa ang ginagawang hakbang ng immigration department sa bansa, upang… Continue reading Immigration policies ng Pilipinas, ibinida sa Thailand partikular na ang Anti-Human Trafficking campaign

20% discount para sa mahihirap na jobseeker, ipinapanukala ni Senador Lito Lapid

Isinusulong ni Senador Lito Lapid ang panukalang batas na layong bigyan ng diskwento ang mga indigent jobseeker sa gitna ng malawakang kawalan ng trabaho sa bansa. Sa ilalim ng Senate Bill 2382 na inihain ni Lapid, layong bigyan ng 20 percent discount ang mga mahihirap  na aplikante sa binabayarang fees at charges sa ilang government… Continue reading 20% discount para sa mahihirap na jobseeker, ipinapanukala ni Senador Lito Lapid