Kauna-unahang transformation program para sa MNLF, inilunsad

Makaraan ang ilang dekadang paglagda sa kasunduang pagkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at Moro National Liberation Front (MNLF), naisagawa na rin ang kauna-unahang Transformation program sa mahigit 500 dating mandirigma ng MNLF ngayong araw sa Maluso Isabela, Basilan. Sa ekslusibong panayam ng Radyo Pilipinas kay Undersecretary for Inclusive… Continue reading Kauna-unahang transformation program para sa MNLF, inilunsad

Posibleng mas matinding pag-atake ng MEDUSA ransomware sa online system ng PhilHealth, pinaghahandaan na

Pinaghahandaan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mas matinding pag-atake pa ng MEDUSA ransomware. Ito’y kasunod nga ng pag-atake ng nasabing malware sa sistema ng state health insurer na nagresulta sa pagkawala ng mga datos gayundin ang pagka-aberya sa sistema. Ayon kay Atty. Eli Dino-Santos, Senior Vice President at Chief Operating Officer ng… Continue reading Posibleng mas matinding pag-atake ng MEDUSA ransomware sa online system ng PhilHealth, pinaghahandaan na

MMDA, nagbabala sa mga motoristang lalabag sa batas trapiko sa EDSA Bus Carousel

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga motoristang lalabag sa batas trapiko partikular na sa EDSA Bus Carousel Lane. Ito ay matapos na dumaan ang isang taxi sa EDSA Bus Carousel noong kasagsagan ng baha sa bahagi ng EDSA northbound lane, sa Gate 3 ng Camp Aguinaldo sa Quezon City noong September… Continue reading MMDA, nagbabala sa mga motoristang lalabag sa batas trapiko sa EDSA Bus Carousel

LTO, tutulungan ang MMDA vs. pasaway na motorista na gumagamit sa EDSA Bus Carousel

Ipinag-utos na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang deployment ng karagdagang tauhan nito sa EDSA Bus Carousel, sa gitna ng talamak na paglabag ng mga pasaway na motorista. Kasabay nito, inatasan din ang LTO-National Capital Region na kilalanin ang operator at driver ng taxi na humarang sa ilang bus sa kasagsagan… Continue reading LTO, tutulungan ang MMDA vs. pasaway na motorista na gumagamit sa EDSA Bus Carousel

DMW, kinumpirma ang pagkamatay ng isang OFW sa Saudi Arabia

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia, na kinilalang si Marjorette Garcia. Ang 32 taong gulang na OFW ay natagpuang patay at may saksak sa mga katawan. Si Marjorette ay na-deploy sa Saudi noong 2021. Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na nakikipag-ugnayan na… Continue reading DMW, kinumpirma ang pagkamatay ng isang OFW sa Saudi Arabia

PhilHealth, tiniyak na ‘di naapektuhan ng umatakeng ransomware ang kontribusyon ng mga miyembro

Iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi apektado ang datos at kontribusyon ng mga miyembro, matapos ang naging pag-atake ng MEDUSA ransomware sa online system nito. Sa pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni PhilHealth President at Chief Executive Officer o CEO Emmanuel Ledesma, hindi aniya apektado ang hulog ng kanilang mga miyembro at… Continue reading PhilHealth, tiniyak na ‘di naapektuhan ng umatakeng ransomware ang kontribusyon ng mga miyembro

DSWD, nakiisa sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2023

Nagsagawa ngayong araw ng wellness fair ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa DSWD Central Office, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2023. Kasama sa mga serbisyong inaalok sa fair ang massage therapy, eye check-up, eyeglasses, at baked goods. Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga empleyado sa kanilang mga nakatatandang miyembro… Continue reading DSWD, nakiisa sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2023

Mataas na lider ng NPA, kabilang sa 3 nasawi sa engkwentro sa Leon, Iloilo

Kinilala ng militar ang isa sa tatlong NPA na nasawi sa engkwentro sa Barangay Cagay, Leon, Iloilo nitong Biyernes bilang mataas na lider ng NPA sa rehiyon. Kinilala ang nasawing NPA lider na si Rebecca Alfaro, alias Jing, ang secretary ng Southern Front, Komiteng Rehiyon-Panay (SF, KR-P). Si alyas Jing, na may kasong attempted murder… Continue reading Mataas na lider ng NPA, kabilang sa 3 nasawi sa engkwentro sa Leon, Iloilo

Ilang opisyal sa PNP, isinailalim sa balasahan

Nagpatupad ng balasahan ngayong araw sa ilang opisyal ng Philippine National Police o PNP. Alinsunod sa direktiba ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr, itinalaga nito si P/BGen. Kenneth Lucas bilang Acting Regional Director ng Police Regional Office 4A o CALABARZON. Pinalitan ni Lucas si P/BGen. Carlito Gaces na nakatakda nang magretiro sa buwang ito.… Continue reading Ilang opisyal sa PNP, isinailalim sa balasahan

Pangangalap ng intel at ebidensya sa EEZ ng bansa, hindi dapat ibigay sa mga mangingisda — mambabatas

Hindi pabor si House Deputy Majority Leader Rep. Alfred Delos Santos na isama ang mga mangingisdang Pinoy sa pagsasagawa ng intel at evidence gathering sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, partikular sa bahagi ng West Philippine Sea. Aniya, dapat ay mga propesyonal gaya ng sundalo at Philippine Coast Guard ang gumawa nito at hindi ang… Continue reading Pangangalap ng intel at ebidensya sa EEZ ng bansa, hindi dapat ibigay sa mga mangingisda — mambabatas