AFP, ‘mission accomplished’ sa BSKE

Matagumpay na nagampanan ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang misyon sa naging pangkalahatang mapayapa at maayos na pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., kasabay ng pagsabi na walang ‘threat group’ ang nakasagabal sa proseso ng… Continue reading AFP, ‘mission accomplished’ sa BSKE

Mga nagsitungo sa mga sementeryo sa buong bansa, lagpas 800k

Nasa 828,000 indibidwal ang nagtungo sa iba’t ibang sementeryo sa buong bansa ngayong umaga para sa Undas 2023. Batay ito sa situation report ng iba’t ibang Police Regional Office (PRO) na natanggap ng PNP Monitoring Center as of 10 am kanina. Pinakamarami sa bilang na ito ang iniulat ng PRO 1 na nasa 277,000; pumangalawa… Continue reading Mga nagsitungo sa mga sementeryo sa buong bansa, lagpas 800k

DILG Sec. Abalos, itinutulak na magkaroon ng 3 linggong transition period para sa bagong halal na BSK officials

Nais ng Department of Interior ang Local Government na bigyan ng hanggang tatlong linggong transition period ang mga bagong halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan. Salig ito sa Memorandum Circular 166 ng DILG. Mas mahaba ito kumpara sa nais ng COMELEC na isang linggo. Ayon kay DILG Sec. Benjamin Abalos, bagamat ang mga… Continue reading DILG Sec. Abalos, itinutulak na magkaroon ng 3 linggong transition period para sa bagong halal na BSK officials

Mga natulungan ng Philippine Red Cross ngayong Undas sa buong bansa, pumalo sa mahigit 3,000

Nananatiling nakaantabay ang Philippine Red Cross sa mga pangunahing sementeryo sa buong bansa para umalalay sa mga kababayang bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Ayon kay PRC Chairperson at dating Sen. Richard Gordon, mula pa kahapon, Oktubre 31 ay nakapagsilbi na sila ng mahigit 3,000 indibiduwal na nakaranas ng emergency kaalinsabay… Continue reading Mga natulungan ng Philippine Red Cross ngayong Undas sa buong bansa, pumalo sa mahigit 3,000

QCPD, wala pang naitatalang anumang ‘untoward incident’ sa mga binabantayang sementeryo ngayong Undas

Nananatiling mapayapa ang paggunita ng Undas sa mga sementeryo sa Quezon City. Ito ang paunang assessment ng QCPD sa pagbabantay nito sa seguridad sa iba’t ibang sementeryo at kolumbaryo sa lungsod. As of 11am, wala pang namo-monitor na anumang ‘untoward incident’ ang QCPD na may kaugnayan sa Undas. Wala pa ring nagtangkang magpuslit ng anumang… Continue reading QCPD, wala pang naitatalang anumang ‘untoward incident’ sa mga binabantayang sementeryo ngayong Undas

Mga bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa San Juan City, pumalo na sa 3,000

Pumalo na sa humigit kumulang 3,000 ang bilang ng mga nagtungo sa St. John the Baptist Cemetery sa San Juan City ngayong All Saint’s Day o tradisyunal na Undas. Hindi alintana ng mga bumibisita ang mahinang pag-ulan, mabisita lamang ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Bagaman hindi kinukumpiska rito ang mga lighter at posporo… Continue reading Mga bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa San Juan City, pumalo na sa 3,000

Tinatayang mahigit 20k, bibisita sa mga sementeryo sa Mandaluyong City

Nagsisimula na ring dumagsa ang mga bumibisita sa mga sementeryo sa Mandaluyong City ngayong Undas. Ayon sa Mandaluyong LGU, nasa 5,000 ang inaasahan nilang daragsa sa San Felipe Catholic Cemetery habang tinataya namang aabot sa 20,000 ang bibisita sa Garden of Life Columbarium Taliwas sa ibang sementeryo, tumatalima naman ang mga Mandaleño sa hindi pagdadala… Continue reading Tinatayang mahigit 20k, bibisita sa mga sementeryo sa Mandaluyong City

Muling pagbubukas ng Tugatog Cemetery ngayong Undas, ikinatuwa ng mga residente ng Malabon

Dinagsa ng mga residente sa Malabon ang Tugatog Cemetery partikular ang bagong bukas na Wall of Remembrance kung saan makikita ang pangalan ng mga nakahimlay sa sementeryo. Bagamat maliit lang ang espasyo, pami-pamilya pa rin ang nagtutungo rito para alalahanin ang namapayapang mahal sa buhay. Matapos kasi ang dalawang taon ay ngayon lang muli binuksan… Continue reading Muling pagbubukas ng Tugatog Cemetery ngayong Undas, ikinatuwa ng mga residente ng Malabon

Mambabatas, nanawagan para taasan ang halaga ng PhilHealth benefits

Sumulat si Agri party-list Representative Wilbert Lee sa pamunuan ng PhilHealth na taasan ang benepisyong ibinibigay sa mga miyembro nito. Ayon kay Lee, bagamat welcome ang pagpapalawig sa PhilHealth benefits, mas maigi na taasan din ng 20% hanggang 30% ang sasagutin nitong bayarin sa ospital. “Natutuwa tayo na pinakinggan ng PhilHealth ang panawagan natin noong… Continue reading Mambabatas, nanawagan para taasan ang halaga ng PhilHealth benefits

PNP Chief, binati ang mga pulis sa mahusay na serbisyo mula BSKE hanggang Undas

Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng pulis sa kanilang tuloy-tuloy na mahusay na pagpapatupad ng seguridad sa magkasunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) at Undas 2023. Ang pahayag ay ginawa ng PNP Chief matapos magsagawa ng inspeksyon sa Manila North Cemetery ngayong umaga. Ayon sa PNP Chief,… Continue reading PNP Chief, binati ang mga pulis sa mahusay na serbisyo mula BSKE hanggang Undas