AFP Chief, nanguna sa paglulunsad ng AFP Mental Health Advocacy Program

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang paglulunsad ng AFP Mental Health Advocacy Program sa V Luna Medical Center (VLMC) ngayong umaga. Sa kanyang mensahe, inengganyo ni Gen. Brawner ang mga sundalo na mag-ambag sa paglikha ng isang “mentally-resilient” AFP sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang… Continue reading AFP Chief, nanguna sa paglulunsad ng AFP Mental Health Advocacy Program

Data-driven na pagtugon sa mga hamon sa sektor ng agrikultura, tiniyak ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.

Ipinangako ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ibabalik niya sa ahensya ang pagkuha ng tamang datos at statistics. Sa naging pagdinig ng Commission on Appointments (CA), sinabi ni Laurel na bubuo sila ng isang climate timely government assistance para sa mga magsasaka at mga mangingisda sa bansa. Titiyakin rin aniya… Continue reading Data-driven na pagtugon sa mga hamon sa sektor ng agrikultura, tiniyak ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.

Dalawang araw na Kadiwa ng Pangulo, inilunsad ng DA Region-9 sa Capitol Grounds sa Dipolog City

Kasalukuyang isinasagawa ang Kadiwa ng Pangulo sa Capitol Grounds sa Barangay Estaka sa Dipolog City, Zamboanga del Norte. Mabibili rito ang sariwang mga prutas, mga panrekado, mga gulay at itlog, kasama na ang sari-saring mga tuyong isda na nagprodukto ng mga magsasaka’t mangingisda sa Dipolog City at ibang bahagi ng Zamboanga del Norte. Nariyan din… Continue reading Dalawang araw na Kadiwa ng Pangulo, inilunsad ng DA Region-9 sa Capitol Grounds sa Dipolog City

DOTr, target mapababa ng 35% ang road accident deaths sa Pilipinas pagdating ng 2028

Patuloy ang pagpapatupad ng iba’t ibang programa ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng Philippine Road Safety Action Plan. Layon nitong maisulong ang kaligtasan sa mga lansangan, at maabot ang target na mapababa ang road accident deaths sa Pilipinas ng 35% pagdating ng 2028. Sa ginanap na Asia Pacific Road Safety Observatory 2023 Annual… Continue reading DOTr, target mapababa ng 35% ang road accident deaths sa Pilipinas pagdating ng 2028

DOST, MSU-Naawan, pormal nang inagurahan ang ₱5-M na nanotech lab

Pormal nang inagurahan ang humigit-kumulang ₱5-Milyon na pasilidad, ang NanoCORE lab: Computational Nanotechnology Laboratory noong Lunes, Disyembre 4, sa loob ng Mindanao State University (MSU)-Naawan Campus, Lalawigan ng Misamis Oriental. Pinangunahan ito ng Department of Science and Technology (DOST) – Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD), at ng MSU-Naawan.… Continue reading DOST, MSU-Naawan, pormal nang inagurahan ang ₱5-M na nanotech lab

Sen. Bato dela Rosa, iginiit na dapat walang ceasefire kahit isulong ang peace talks sa mga rebelde

Suportado ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang hakbang ng gobyerno na muling buksan ang peace talks sa mga komunsitang grupo. Gayunpaman kondisyon ni dela Rosa, dapat ay walang ceasefire. Paliwanag ng senador, marami na kasing mga pagkakataon na ginagamit lang ng mga rebelde ang ceasefire para magpalakas muli, at kalaunan ay umatake lang muli.… Continue reading Sen. Bato dela Rosa, iginiit na dapat walang ceasefire kahit isulong ang peace talks sa mga rebelde

AFP, PNP, at Muslim Community sa Bacolod City, magtutulungan laban sa terorismo

Nagpulong ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Muslim community sa Bacolod, para pag-usapan ang pinaigting na hakbang panseguridad sa lungsod kasunod ng nangyaring pambobomba sa Marawi City. Ang pagpupulong sa Bacolod City Police Office (BCPO) kahapon ay dinaluhan ni 303rd Brigade Commander Brigadier General Orlando Edralin;… Continue reading AFP, PNP, at Muslim Community sa Bacolod City, magtutulungan laban sa terorismo

Number coding scheme, suspendido sa Disyembre 8 kaalinsabay ng Pista ng Immaculate Conception

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Vehicle Volume Reduction Scheme o mas kilala bilang number coding scheme sa Biyernes, Disyembre 8. Ito’y ayon sa MMDA ay bilang pagbibigay daan sa pagdiriwang ng mga Katoliko ng pista ng Immaculate Conception na isang Holiday of Obligation. Dahil dito, pinaalalahanan… Continue reading Number coding scheme, suspendido sa Disyembre 8 kaalinsabay ng Pista ng Immaculate Conception

Panukalang ban sa POGO, suportado ng NEDA

Suportado ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang panukalang ipagbawal na ang pagpasok ng Philippine Offshore Gaming Operations o POGO sa bansa. Sa isang pahayag, sinabi ng NEDA na nagdudulot lamang kasi ng negatibong epekto ang POGO sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Mula kasi noong 2019, bagaman nakapagtala ng mataas na ambag ang… Continue reading Panukalang ban sa POGO, suportado ng NEDA

Aftershocks ng 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur, umabot na sa higit 3,000

May umiiral pa ring mga pagyanig o aftershocks sa ilang lugar sa Mindanao kasunod ng tumamang 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong December 2. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, as of 12:00 nn ay umakyat na sa 3,117 ang naitalang aftershocks. Mula rito, 591 ang plotted earthquakes o natukoy ng… Continue reading Aftershocks ng 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur, umabot na sa higit 3,000