Taga-Albay na nanalo ng P571-M sa lotto, nakuha na ang premyo, ayon sa PCSO

Kinubra na ng nag-iisang lucky winner ang premyo nitong P571 milyon na tinamaan niya sa Ultra Lotto 6/58 noong December 29. Ayon sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO), nakuha na ng lucky winner na taga-Albay ang kaniyang premyo ngayong araw. Nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination na 19 –… Continue reading Taga-Albay na nanalo ng P571-M sa lotto, nakuha na ang premyo, ayon sa PCSO

Mga kawani ng LRTA, muling hinimok na paigtingin ang kooperasyon ngayong 2024

Muling hiniling ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera ang tulong at kooperasyon ng lahat ng kawani ng ahensya sa unang araw ng pagbabalik-trabaho ngayong araw, January 2. Sa pinaka-unang flag-raising ceremony ngayong 2024, binigyang diin ni Cabrera ang pagsunod sa hinihinging compliances ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan pagdating sa pagseserbisyo… Continue reading Mga kawani ng LRTA, muling hinimok na paigtingin ang kooperasyon ngayong 2024

OCD, naka-standby alinsunod sa alok na tulong ni Pangulong Marcos Jr. sa Japan

Naka-standby ngayon ang Office of Civil Defense (OCD) kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno alinsunod sa alok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulong sa disaster response operations sa Japan, kasunod ng 7.6 Magnitude na lindol na tumama sa naturang bansa. Ito ang inihayag ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepumuceno, kasabay ng pagsabi… Continue reading OCD, naka-standby alinsunod sa alok na tulong ni Pangulong Marcos Jr. sa Japan

Isang sasakyan, inararo ang ilang concrete barriers ng EDSA Busway sa EDSA-Boni, Mandaluyong City

Lumuwag na ang daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA-Boni Southbound Lane sa Mandaluyong City ngayong hapon. Ito matapos na maialis na ang pulang Toyota Innova na inararo ang ilang concrete barriers sa EDSA Busway. Pumutok kasi ang dalawang gulong sa kaliwang bahagi ng sasakyan kaya naman pinili ng driver na ibangga na lang… Continue reading Isang sasakyan, inararo ang ilang concrete barriers ng EDSA Busway sa EDSA-Boni, Mandaluyong City

Naitalang insidente ng sunog ngayong holiday season, tumaas – BFP

Tumaas ang naitalang insidente ng sunog sa buong bansa na sanhi ng paputok mula Disyembre 31, 2023 hanggang Enero 1, 2024. Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Spokesperson Fire Supt. Annalee Atienza, mas mataas ito kumpara sa parehong panahon noong 2022. Mula Disyembre 31, 2023 hanggang Enero 1, 2024 nakapagtala ang BFP ng 81… Continue reading Naitalang insidente ng sunog ngayong holiday season, tumaas – BFP

PH Bankers, nag-aabang sa pagbabawas ng interest ng BSP upang lumago ang pagpapautang sa bansa

Nag-aabang ang mga bangko sa bansa ng rate cut mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa paglago ng pautang at magtutulak sa paglago ng ekonomiya. Ayon kay Bankers Association of the Philippines Jose Teoforo Limcaoco, kapag lumuluwag ang inflation lalong nagkakaroon ng kumpiyansa ang mga consumer at lalago ang gross domestic product o… Continue reading PH Bankers, nag-aabang sa pagbabawas ng interest ng BSP upang lumago ang pagpapautang sa bansa

Dalawang mangingisdangnagpalutang-lutang sa karagatan ng Pangasinan, nasagip ng isang foreign cargo vessel

Nasagip ng isang foreign cargo vessel ang dalawang mangingisdang limang oras na nagpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Agno, Pangasinan matapos palubugin ng malakas na alon ang bangkang gamit ng mga ito. Ayon sa datos mula sa Philippine Coast Guard (PCG) Pangasinan, pumalaot para mangisda ang mga mangingisda noong ika-30 Disyembre 2023 sa layong 30 nautical… Continue reading Dalawang mangingisdangnagpalutang-lutang sa karagatan ng Pangasinan, nasagip ng isang foreign cargo vessel

4 na kainuman ng umano’y biktima ng β€œstray bullet” kakasuhan ng PNP

Kakasuhan ng Philippine National Police (PNP) ang apat na kainuman ng umano’y  biktima ng β€œstray bullet” sa Mariveles, Bataan, matapos lumabas sa imbestigasyon na hindi β€œstray bullet” ang ikinasawi ng biktima. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame. Ayon kay Fajardo, noong una… Continue reading 4 na kainuman ng umano’y biktima ng β€œstray bullet” kakasuhan ng PNP

Ika-20th death anniversary ni Dating Alkalde Maria Clara Lorenzo Lobregat, ginunita ng Zamboanga City LGU ngayong araw

Pinamumunuan ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang paggunita ng ika-20 taong anibersaryo ng pagkamatay ni Dating Alkalde Maria Clara Lorenzo Lobregat (MCLL) sa lungsod ng Zamboanga ngayong araw. Isinagawa ang isang commemorative mass sa Holy Trinity Church sa Brgy. Pasonanca nitong alas-kwatro ng hapon at susundan ito ng wreath laying ceremony at maikling programa… Continue reading Ika-20th death anniversary ni Dating Alkalde Maria Clara Lorenzo Lobregat, ginunita ng Zamboanga City LGU ngayong araw

Ikalawang round ng procurement process para sa 2025 midterm elections, itutuloy na uli ng Comelec

Muling magsasagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng bidding para sa gagamitin na teknolohiya sa 2025 midterm elections.  Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, itutuloy na uli ng Comelec sa January 8 ang ikalawang round ng procurement.  Ito ay matapos magkaroon ng failure of bidding ang komisyon noong nakaraang Disyembre 14, dahil sa… Continue reading Ikalawang round ng procurement process para sa 2025 midterm elections, itutuloy na uli ng Comelec