Umanoy planong buwagin ang Task Force Davao, itinanggi ng Eastern Mindanao Command

Itinanggi ni Eastern Mindanao Command (Eastmincom) Spokesperson Col. Rosa Ma. Cristina Rosete-Manuel na bubuwagin ang Joint Task Force Davao. Sa isang Statement kaugnay ng naging pagbista ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa Eastmincom, iginiit ni Col. Rosete-Manuel na walang kautusan mula sa pamunuan ng AFP na… Continue reading Umanoy planong buwagin ang Task Force Davao, itinanggi ng Eastern Mindanao Command

MMDA, hinikayat ang mga motorcycle rider na mag-enroll sa Motorcycle Riding Academy

Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga rider na nais matuto ng tamang pag-momotorsiklo na mag-enroll sa Motorcycle Riding Academy ng ahensya.  Ayon sa MMDA, ito ay libre at sa loob lang ng dalawang araw ay maaari ng matutunan ang riding courtesy, road traffic rules and regulations and safety laws, basic riding course… Continue reading MMDA, hinikayat ang mga motorcycle rider na mag-enroll sa Motorcycle Riding Academy

Dalawang opisyal ng BIR sa Marinduque, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Sinampahan ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman ang dalawang  opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Boac, Marinduque. Kasama ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng SARGASSO Construction and Development Inc. sa pagsasampa ng kaso sa mga akusado sa Ombudsman. Kasong paglabag sa RA 3019 as amended o Graft and Corrupt… Continue reading Dalawang opisyal ng BIR sa Marinduque, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Ekonomiya ng Pilipinas, inaasahang babawi sa second half ng 2024 bunsod ng malaking pagbaba ng inflation

Inasahan na babawi sa second half ng 2024 ang ekonomiya ng Pilipinas ayon sa Moody’s analytics.  Dagdag pa nitp, pagkakataon ito na bawasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang borrowing cost.  Sa inilabas na datos ng PSA, nasa 2.8% ang January inflation sa bansa, mas mababa kumpara sa 3.9% inflation noong Disyembre ng 2023. … Continue reading Ekonomiya ng Pilipinas, inaasahang babawi sa second half ng 2024 bunsod ng malaking pagbaba ng inflation

Presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin, patuloy na tututukan ng Pamahalaan sa kabila ng pagbagal ng inflation ayon sa NEDA

Tiniyak ng National Economic and Development Authority o NEDA sa publiko na patuloy na tututukan ng Pamahalaan ang presyuhan ng mga pangunahing bilihin partikular na ng bigas. Ito ang inihayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan kasunod ng naitalang pagbagal ng inflation rate ng bansa sa 2.8 percent para sa Enero ng taong kasalukuyan. Ayon sa… Continue reading Presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin, patuloy na tututukan ng Pamahalaan sa kabila ng pagbagal ng inflation ayon sa NEDA

1,200 magsasaka, makikinabang sa resolusyon ng Batangas Land Dispute – DAR

Aabot sa 1,200 na mga magsasaka ang inaasahang makikinabang sa gagawing distribusyon ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng individual land parcels na resulta ng naging resolusyon sa Batangas Land Dispute. Ito ang nilinaw ng DAR na taliwas sa napaunang ulat na binawian ng lupa ang mga magsasaka sa Hacienda Palico, Banilad at Caylaway, sa… Continue reading 1,200 magsasaka, makikinabang sa resolusyon ng Batangas Land Dispute – DAR

Economist solon, inaasahang mas gaganda ang presyo ng pagkain kasunod ng malaking pagbaba ng inflation

Maganda ang simula ng Enero 2024. Ito ang reaksyon ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda matapos maitala ang 2.8% inflation rate para sa buwan ng Enero. Aniya, malaki ang ambag dito ng pagbaba sa presyo ng mais, sibuyas, bigas, maging asukal. Kaya namana inaasahan na ng economist solon na mas bubuti ang… Continue reading Economist solon, inaasahang mas gaganda ang presyo ng pagkain kasunod ng malaking pagbaba ng inflation

Mga visa application na di dumadaan sa tamang proseso, di kukunsintihin — DFA

Hindi kinukunsinti ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang anumang uri ng pagbibigay ng mga permit o visa sa gitna ng mga iniulat na aktibidad sa ahensya. Ayon sa DFA, wala silang pinapalagpas na maling gawain o katiwalian tungkol sa kanilangvisa at consular services sa Philippine Foreign Service Post. Anila, sa halip ay seryoso sila… Continue reading Mga visa application na di dumadaan sa tamang proseso, di kukunsintihin — DFA

DOTr Sec. Bautista, tiniyak na maisasakatuparan ang Mindanao Railway Project

Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na matutuloy ang Mindanao Railway Project (MRP) kahit pa wala itong pondo sa ngayon.  Sa isinagawang Town Hall Meeting para sa Railway Sector sa Davao City, sinabi ng kalihim nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Finance para sa pondo ng MRP.  Nakikipag-usap rin umano sila sa… Continue reading DOTr Sec. Bautista, tiniyak na maisasakatuparan ang Mindanao Railway Project

National ID, maaaring i-reconfigure para pamalit sa senior citizen ID at booklet

Nanawagan si Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes na hanapan ng paraan ng pamahalaan na ma-reconfigure ang Philsys o National ID. Ayon kay Ordanes, maaaring tugunan ng Philippine Statistics Authority (PSA) at iba pang tagapagpatupad ng Philippine National ID System ang panawagan ng mga senior at PWD na magkaroon ng secure at verifiable ID, database… Continue reading National ID, maaaring i-reconfigure para pamalit sa senior citizen ID at booklet