AFP-PNP Career Guidance Program para sa Senior High School, inilunsad

Inilunsad ng Northern Luzon Command sa pamamagitan ng 1st Civil Relations Group ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15) sa ilalim ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) ng Philippine National Police (PNP) ang AFP-PNP Career Guidance Program para sa senior High School students. Ang proyekto na binansagang Project… Continue reading AFP-PNP Career Guidance Program para sa Senior High School, inilunsad

Nagbebenta ng sim na may G-Cash account, arestado ng ACG

Naaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang online-seller, na nagbebenta ng sim card na may rehistradong G-Cash Account. Kinilala ni ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo ang arestadong suspek na si Arthur Cab, 40, residente ng Fortune 4 Parada, Valenzuela City. Nahuli ang suspek sa tapat ng isang fastfood… Continue reading Nagbebenta ng sim na may G-Cash account, arestado ng ACG

PNP, nanawagan ng pagkakaisa, kahinahunan sa kabila ng ingay politika

Aminado si Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. na nakalulungkot na marinig ang mga panawagan na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas. Ayon sa PNP chief, hindi aniya maganda para sa isang masiglang lipunan ang talakayin ang usapin ng pagkakawatak-watak sa kabila ng pagpupursige ng pamahalaan na pag-isahin ang bansa sa… Continue reading PNP, nanawagan ng pagkakaisa, kahinahunan sa kabila ng ingay politika

Briefing sa Kamara ukol sa data breach sa ilang website ng gov’t agencies, kasado ngayong araw

Isang araw matapos manawagan si Speaker Martin Romualdez para magsagawa ng briefing upang magpaliwanag ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa nangyaring data breach ay agad nagkasa ng pulong ang House Committee on Information and Communications Technology. Ayon kay Navotas Representative Toby Tiangco, chair ng komite, ngayong ala-1 ng hapon mag-umpisa ang joint… Continue reading Briefing sa Kamara ukol sa data breach sa ilang website ng gov’t agencies, kasado ngayong araw

BOI, nakipagpulong para sa pamumuhunan ng Estados Unidos sa semi-conductor at critical mineral industries sa Pilipinas

Nakipagpulong ang Philippine Board of Investments sa Estados Unidos upang maisapinal ang pamumuhunan nito sa semiconductor at critical mineral Industries sa Pilipinas. Ayon kay BOI Managing Head and Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo, nakaharap nila si United States Department of State Undersecretary for Economic Growth, Energy, and the Environment Jose Fernandez hinggil sa napipintong pamumuhunan ng… Continue reading BOI, nakipagpulong para sa pamumuhunan ng Estados Unidos sa semi-conductor at critical mineral industries sa Pilipinas

₱14-B pondo, ilalaan ng DOTr para sa modernisasyon ng mga paliparan sa bansa

Pursigido ang Department of Transportation (DOTr) na lalo pang pagandahin at i-modernisa ang mga pangunahing paliparan sa bansa. Sa isinagawang Bagong Pilipinas Townhall Meeting ng DOTr sa General Santos City, sinabi ng kalihim na aabot sa ₱14-na bilyong piso ang ilalaan nilang pondo para dito. Kabilang aniya sa mga makikinabang dito ay ang mga airport… Continue reading ₱14-B pondo, ilalaan ng DOTr para sa modernisasyon ng mga paliparan sa bansa

2.8% inflation, naitala ng PSA nitong Enero

Lalo pang bumagal sa 2.8% inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa buwan ng Enero ngayong 2024 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Ito ang pinakamababang inflation na naitala sa bansa mula noong Oktubre 2020. Mas mababa ito sa 3.9% inflation noong Disyembre at 8.7% inflation sa kaparehong buwan… Continue reading 2.8% inflation, naitala ng PSA nitong Enero

Ecowaste, pinag-iingat ang publiko sa pagbili ng lucky charm bracelets

Ngayong papalapit na ang pagdiriwang ng Chinese New Year, muling nagbabala ang environmental group na EcoWaste Coalition ukol sa pagbili ng lucky charm bracelets o pampasuwerte na may lamang nakalalasong mga kemikal. Sa isinagawang market monitoring ng grupo sa Binondo at Quiapo, Manila, lumalabas na nagkalat ang charm bracelets na mabibili mula sa P25- P75… Continue reading Ecowaste, pinag-iingat ang publiko sa pagbili ng lucky charm bracelets

Kumakalat na anim na buwang libreng flights ng PAL sa social media, fake news

Mariing pinabulaanan ng Philippine Airlines (PAL) ang isang post sa social media na umano’y nag-aalok ng murang ticket ang airlines at makakuha ng anim na buwan na libreng flight sa halagang P168. Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, peke ang nasabing site at hindi ito dapat pinapatulan dahil maaaring makompromiso lamang aniya ang mga personal… Continue reading Kumakalat na anim na buwang libreng flights ng PAL sa social media, fake news

Pilipinas, ADB, nagkasundo na magtulungan para sa mga developing pipeline projects at programs ng administrasyong Marcos Jr.

Nagkasundo ang Pilipinas at Asian Development Bank (ADB) na magkatuwang na isulong ang mga programa ng gobyerno partikular ang green infrastructure at clean energy sa ilalim ng $10-billion climate financing commitment ng  ADB for  2024 to 2029. Kabilang ito sa tinalakay sa pulong ni Finance Secretary Ralph Recto kasama ang mga senior officials ng ADB kamakailan… Continue reading Pilipinas, ADB, nagkasundo na magtulungan para sa mga developing pipeline projects at programs ng administrasyong Marcos Jr.