Bayan ng Esperanza sa Agusan del Sur, niyanig ng lindol

Asahan na magkaroon pa ng mga aftershock matapos ang magnitude 5.9 earthquake na nangyari sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur bago mag tanghali kanina. Ayon sa PHIVOLCS, ramdam ang pagyanig sa ilang bahagi ng Mindanao dakong alas 11:22 ng umaga kanina. Natunton ang epicenter ng lindol sa layong dalawang kilometro sa timog-kanluran ng Esperanza… Continue reading Bayan ng Esperanza sa Agusan del Sur, niyanig ng lindol

Coast Guard rescue dog, Appa, pinasalamatan sa pagka-rescue ng 3 anyos na bata

Pinasalamatan ni Davao de Oro Governor Dorothy Gonzaga ang rescue dog ng Coast Guard District Southeastern Mindanao na si Appa dahil sa pagka-rescue ng tatlong taong gulang na batang babae na natabunan sa nangyaring landslide sa Barangay Masara, sa bayan ng Maco noong gabin ng Pebrero 6, 2024. Sa isinagawang virtual press conference, sinabi ng… Continue reading Coast Guard rescue dog, Appa, pinasalamatan sa pagka-rescue ng 3 anyos na bata

Konstruksyon ng isa pang bagong Unibersidad ng Caloocan, inumpisahan na ng LGU

Opisyal nang sinimulan ang pagtatayo ng ikalimang University of Caloocan City (UCC) campus sa Crispulo Street, Barangay 180. Ayon sa Caloocan LGU ang bagong campus ng UCC ay ilalaan sa pagkakaroon ng mga programa para sa Medicine at Health Sciences. Magkakaroon din ito ng maraming laboratoryo, simulation room, at mga silid-aralan sa bawat isa sa… Continue reading Konstruksyon ng isa pang bagong Unibersidad ng Caloocan, inumpisahan na ng LGU

Entertainment hub, pinakabagong atraksyon ng Hop-on-Hop-Off Bus Tours ng Department of Tourism

Ipinakilala ng Department of Tourism (DOT) sa pangunguna ni Secretary Christina Garcia Frasco ang pinakabagong atraksyon sa Hop-On-Hop-Off Bus Tours nito. Ayon kay Sec. Frasco, kanilang ilulunsad ang ikatlong stop ng bus tours ng DOT na tinagurian nitong Entertainment Hub. Tampok ng bagong Entertainment Hub na ito ang 13 atraksyon na kinabibilangan ng NAIA terminals,… Continue reading Entertainment hub, pinakabagong atraksyon ng Hop-on-Hop-Off Bus Tours ng Department of Tourism

DA Chief, tiniyak ang matatag na suplay ng bigas sa bansa sa loob ng kalahating taon

Siniguro ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa publiko na sapat ang suplay ng bigas sa bansa sa unang kalahati ng taong ito. Bukod sa mga inangkat kamakailan ay may paparating pang ani na tataas sa Marso at Abril. Magiging matatag ang suplay ng pangunahing pagkain hanggang Hunyo sa kabila ng umiiral na El… Continue reading DA Chief, tiniyak ang matatag na suplay ng bigas sa bansa sa loob ng kalahating taon

7K katao, nakiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo, Maynila

Sinalubong ng humigit-kumulang sa 7,000 katao ang isinagawang salubong at selebrasyon ng Chinese New Year kaninang madaling araw sa Binondo, Maynila ayon sa Manila Police District (MPD). Kasama pa riyan ang higit sa 30 iba’t ibang Filipino-Chinese Organizations kasama ang Manila LGU na nakiisa rin sa pagsalubong sa Year of Dragon. Napuno rin ng pyromusical… Continue reading 7K katao, nakiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo, Maynila

DILG at Malabon LGU, magkatuwang na nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Dampalit, Malabon

Sama-samang nilinis ngayong umaga ng iba’t ibang sektor sa Malabon ang Dampalit Megadike Park sa Barangay Dampalit Malabon City. Isinagawa ito sa ilalim ng KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) sa Bagong Pilipinas program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Mismong sina DILG Secretary Benhur Abalos Jr.at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval… Continue reading DILG at Malabon LGU, magkatuwang na nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Dampalit, Malabon

Smuggled na sports car, sinurender ng may-ari sa Bureau of Customs

Kusang isinuko sa mga awtoridad ng may-ari ng sinasabing smuggled na sports car ang sasakyan nito matapos magkasa ng search launch ang Bureau of Customs (BOC) nitong linggo. Sinasabing ang isinukong pulang Bugatti Chiron ay isa lamang sa dalawang Bugatti na pinaghahanap ng ahensya sa kasalukuyan. Patuloy pa rin ang mga awtoridad sa paghahanap ng… Continue reading Smuggled na sports car, sinurender ng may-ari sa Bureau of Customs

DSWD, magtuloy-tuloy pa sa pamamahagi ng tulong sa mga pinaka-apektadong pamilya na sinalanta ng shearline sa Davao del Norte

Ipinangako pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbibigay ng financial assistance sa mga pinakaapektadong pamilya na napinsala ng shearline at trough ng Low Pressure Area (LPA) sa Davao del Norte. Batay sa pinakahuling update, nakipagpulong na ang DSWD Field Office 11 kay Mayor Tess Timbol ng Munisipyo ng Kapalong ng nasabing… Continue reading DSWD, magtuloy-tuloy pa sa pamamahagi ng tulong sa mga pinaka-apektadong pamilya na sinalanta ng shearline sa Davao del Norte

Pilipinas, kinilala sa isinagawang Global Migration Summit sa Switzerland

Muling binigyang pagkilala sa world stage ang Pilipinas matapos matanggap ng bansa ang prestihiyosong Migrants4Climate (M4C) Award sa ginanap na Global Forum on Migration and Development Summit sa Geneva, Switzerland. Sa nasabing kaganapan, binigyang pansin ang Liter for Light Project ng Pilipinas dahil sa makabuluhang climate action nito sa local level. Sinimulan, noong 2013 matapos… Continue reading Pilipinas, kinilala sa isinagawang Global Migration Summit sa Switzerland