House Panel, inaprubahan ang consolidation ng mga panukalang batas ukol Nursing Scholarship and Return Service Program

Inaprubahan ng Committee on Higher and Technical Education ang consolidation ng tatlong panukalang batas na naglalayong itatag ang Nursing Scholarship and Return Service Program for deserving students. Tinalakay ng committee ang mga probisyon ng House Bills 6310, 6631 at 7889 na iniakda nila Rep. Maria Jamina Katherine Agarao, Ray Florence Reyes at Gus Tambunting. Layon… Continue reading House Panel, inaprubahan ang consolidation ng mga panukalang batas ukol Nursing Scholarship and Return Service Program

SEC, kinilala ng London-based organization dahil sa mahusay na people management

Kinilala ng London-based standard-setting organization Investors in People (IiP) ang Securities and Echange Commission (SEC) dahil sa mahusay na pangangalaga nito sa kapakanan ng mga empleyado. Dahil sa accreditation, ang SEC ang kauna-unahang government financial sector at pangatlong national government agency sa Pilipinas na nakatanggap ng international recognition sa people management. Sa inilabas na statement… Continue reading SEC, kinilala ng London-based organization dahil sa mahusay na people management

Sen. Grace Poe, naniniwalang sapat na ang economic laws na ipinasa ng nakaraang Kongreso para tugunan ang mga isyu sa ekonomiya ng bansa

Iginiit ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe na dapat munang pag-aralang mabuti ang naipasang Public Services Act ng nakaraang Kongreso, bago amyendahan ang economic provision ng Saligang Batas. Si Poe ang tumayong sponsor ng Public Services Act (PSA) noong 18th Congress. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments… Continue reading Sen. Grace Poe, naniniwalang sapat na ang economic laws na ipinasa ng nakaraang Kongreso para tugunan ang mga isyu sa ekonomiya ng bansa

NCRPO, patuloy ang isinasagawang kampanya kontra terorismo

Upang mas mapaigting ang seguridad ng bawat komunidad, patuloy ang isinasagawang kampanya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang labanan ang terorismo at insurgency sa Metro Manila. Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang kanilang isinasagawang mga programa at information dissemination sa masamang maidudulot ng terorismo at insurgency sa… Continue reading NCRPO, patuloy ang isinasagawang kampanya kontra terorismo

Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo sa oil price rollback bukas

Naglabas na ang ilang kumpanya ng langis ng pinal na presyo para sa oil price rollback bukas. Simula bukas ng alas-6 ng umaga ipapatupad ng kumpanyang Pilipinas Shell, Sea Oil, at Petro Gazz ang bawas na P0.60 sa kada litro ng gasolina; habang P0.10 naman sa kada litro ng diesel at P0.40 naman sa kada… Continue reading Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo sa oil price rollback bukas

DMW, nagsagawa ng closure operation sa isang di lesinsyadong recruitment agency sa Makati

Photo courtesy of DMW

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang hindi rehistradong illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa Europe. Personal itong ipinasara ni DMW Undersecretary Bernard Olalia kasama ang ilang law enforcement units na nasa isang building sa Barangay Salcedo Village, Makati City. Ayon kay DMW Migrant Workers Protection Bureau Chief, Atty. Eric Dollete, nakuha nila… Continue reading DMW, nagsagawa ng closure operation sa isang di lesinsyadong recruitment agency sa Makati

Mga gustong maging botante pero walang ID, ginawan ng paraan ng Comelec

 Wala nang iisipin pa ang mga nais maging botante pero walang mga ID galing sa pamahalaan.  Ayon kasi kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Aimee Ferolino, hindi lang naman government issued IDs ang batayan para sa pagpapatala ng isang Pilipino bilang botante. Kailangan lamang aniya na makipag-ugnayan ng nais magparehistro sa nakasasakop sa kanyang lugar… Continue reading Mga gustong maging botante pero walang ID, ginawan ng paraan ng Comelec

DOJ, inatasan ang NBI na imbestigahan ang sunod-sunod na bomb threat ngayong araw

Inutusan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa nakakaalarmang sunod-sunod na bomb threat, na ipinadala ng hindi pa na-verify na email account sa ilang ahensya ng gobyerno at local government units ngayong araw. Ayon kay Sec. Remulla, nakakabahala ang ganitong pagbabantay at dapat… Continue reading DOJ, inatasan ang NBI na imbestigahan ang sunod-sunod na bomb threat ngayong araw

Sen. Sherwin Gatchalian, nagbabala sa naglipanang love scam lalo na ngayong Love Month

Binalaan ni Senador Sherwin Gatchalian ang publiko laban sa paglaganap ng mga love scam lalo na’t marami aniya ang inaasahang maghanap o sumubok ng online dating ngayong buwan ng pag-ibig. Ipinaliwanag ni Gatchalian na sa isang love scam, ang mga scammer ay karaniwang gumagawa ng isang kaakit-akit pero pekeng account sa social media para makuha… Continue reading Sen. Sherwin Gatchalian, nagbabala sa naglipanang love scam lalo na ngayong Love Month

DepEd Bataan, binulabog ng bomb threat; Ilang klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspindi bilang pag-iingat

Binulabog din ng bomb threat ang Department of Education (DepEd) Bataan Schools Division Office. Ito ay matapos na makatanggap ng banta sa pamamagitan ng email ang DepEd Bataan mula sa nagpakilala umanong Japanese lawyer na si Takahiro Karasawa. Kaugnay nito, sinuspindi ng DepEd Bataan ang mga pasok sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan simula kaninang… Continue reading DepEd Bataan, binulabog ng bomb threat; Ilang klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspindi bilang pag-iingat