Naipaabot na tulong ng DSWD sa mga apektado ng LPA, nasa ₱167-M na

Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na apektado ng mga pag-ulan at bahang dulot ng trough o extension ng Low Pressure Area o LPA. As of February 11, umabot na sa higit ₱167-million ang halaga ng ayudang naipamahagi ng DSWD sa lahat ng mga apektado. Kabilang sa… Continue reading Naipaabot na tulong ng DSWD sa mga apektado ng LPA, nasa ₱167-M na

Mga pulis na miyembro ng peacekeeping force na nagtungo sa South Sudan, pinapurihan ng DFA

Kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga naging ambag ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan hanggang sa ibayong dagat. Ito’y makaraang pangunahan ni DFA Sec. Enrique Manalo ang lingguhang flag raising ceremony sa Kampo Crame ngayong araw (Pebrero 12) bilang pagpaparangal sa mga pulis na naging bahagi ng… Continue reading Mga pulis na miyembro ng peacekeeping force na nagtungo sa South Sudan, pinapurihan ng DFA

Inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan bago mag-Valentine’s Day

Good news para sa ating mga motorista lalo na sa mga mag-a-out of town ngayong darating na Araw ng mga Puso, dahil inaasahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, February 13. Base sa pinakahuling trading ng mga kumpanya ng langis nasa ₱0.70-₱0.90 centavos sa kada litro ng gasolina ang inaasahang ibaba… Continue reading Inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan bago mag-Valentine’s Day

Seryosong banta sa seguridad ng bansa, naharang ng BI

Naharang ng Bureau of Immigration ang isang Belgian na pinaghihinalaang isang terorista sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang 31 taong gulang na lalaking Belgian na hindi pinangalanan ay naharang sa terminal 3 dahil sa pagiging ‘undesirable alien’ matapos makita sa Interpol Derogatory System na may ‘hit’ ito.… Continue reading Seryosong banta sa seguridad ng bansa, naharang ng BI

Halaga ng mga nag-materialize na investment pledges na nakuha mula sa foreign trips ni PBBM, umabot na sa $14-B — DTI

Umabot na halos $14-na bilyong dolyar ang nag-materialize na investment pledges ang direkta nang nakapasok sa bansa bunga ng mga foreign trips ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, ito’y sa kabila ng pagsisikap ng administrasyon sa pagproseso ng mga foreign direct investment sa Pilipinas… Continue reading Halaga ng mga nag-materialize na investment pledges na nakuha mula sa foreign trips ni PBBM, umabot na sa $14-B — DTI

VP Sara, binisita ang mga apektado ng pagbaha sa Mindanao

Personal na binisita ni Vice President Sara Duterte ang mga naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan sa Mindanao. Partikular na binisita ng Pangalawang Pangulo ay ang Maco, Davao de Oro na isa sa mga pinakamatinding sinalanta kung saan, maliban sa pagbaha ay nakaranas din ng landslide. Doon, nagpaabot ng tulong si… Continue reading VP Sara, binisita ang mga apektado ng pagbaha sa Mindanao

100% trust rating, pagsisikapang makamit ng PNP

Target ng Philippine National Police (PNP) na makamit ang 100% trust rating ng publiko. Ito’y matapos na unang makamit ang ang 80% trust rating mula sa OCTA survey at highest complaint resolution mula naman sa Civil Service Commission kamakailan. Sa flag raising ceremony kanina sa Kampo Crame, muling inulit ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda… Continue reading 100% trust rating, pagsisikapang makamit ng PNP

Mga senador, hinimok na suportahan ang economic reform ni PBBM

Hinikayat ni Ako Bicol Party-list Representative Raul Angelo ‘Jil’ Bongalon ang Senado na ipakita ang dedikasyon at suporta sa isinusulong na economic reform ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng agarang pag-amyenda sa “restrictive” economic provisions ng 1987 Constitution. Kasunod na rin ito ng pahayag ni PBBM sa ginanap na Constitution Day kung… Continue reading Mga senador, hinimok na suportahan ang economic reform ni PBBM

First Lady Liza Araneta-Marcos, nangako ng tulong sa Filipino Film Industry

Nakahanda ang Office of the First Lady ng tulong sa hanay ng mga nasa industriya ng pinilakang tabing. Ito ang nabigyang-diin sa Facebook post ni First Lady Liza Araneta-Marcos kamakailan kung saan ay kalakip sa mga larawan ang pakikipagpulong nito sa mga nasa movie industry. Kabilang sa nakitang kasama sa pulong ng Unang Ginang ay… Continue reading First Lady Liza Araneta-Marcos, nangako ng tulong sa Filipino Film Industry

Isang buntis, nanganak sa likod ng patrol car sa Palanan, Isabela

Dalawang pulis ng Palanan Police Station sa coastal municipality ng Palanan, Isabela ang tumulong sa pagpapaanak sa isang menor de edad  kamakailan. Ayon sa ulat, papunta sana sa isang police operation sina Patrolman Selvino Argonza at Patrolman Michael Eduardo noong umaga ng February 07, nang makasalubong nila sa Brgy. Sta. Jacinta ang menor de edad… Continue reading Isang buntis, nanganak sa likod ng patrol car sa Palanan, Isabela