Pagsasaayos ng mga irigasyon sa bansa, tuloy-tuloy na ginagawa ng pamahalaan —Task Force El Niño

Binigyang diin ngayon ng Task Force El Niño na tuloy-tuloy ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsalang dulot ng nararanasan na ngayong tagtuyot dala ng El Niño. Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Task Force El Niño Spokesperson, Asec. Joey Villarama na kabilang dito ang pagsasaayos ng irrigation canals upang… Continue reading Pagsasaayos ng mga irigasyon sa bansa, tuloy-tuloy na ginagawa ng pamahalaan —Task Force El Niño

PhilHealth members, makakukuha ng diskuwento sa isang malaking mall store sa Araw ng mga Puso

Makakukuha ng ₱300 diskwento sa lahat ng SM Stores sa buong bansa ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth bukas, February 14, 2024. Ito’y bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-29 anibersayo ng PhilHealth. Tinawag itong PhilHealth Member’s Day kung saan, ang mga miyembrong na may minimum single-receipt purchase na ₱3,000 ay makakukuha… Continue reading PhilHealth members, makakukuha ng diskuwento sa isang malaking mall store sa Araw ng mga Puso

Mahigit ₱400-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng PNP mula sa simula ng 2024

Umabot sa ₱456 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) sa mga isinagawang anti-illegal drug operation mula Enero 1 hanggang Pebrero 8 ngayong taon. Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, iniulat ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na nagresulta din ang pinaigting na anti-drug campaign sa… Continue reading Mahigit ₱400-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng PNP mula sa simula ng 2024

Konstruksyon ng SM North EDSA Busway Concourse, lalarga na

Sisimulan na ang konstruksyon ng EDSA Busway Concourse sa bahagi ng SM North Edsa sa Quezon City. Kasunod ito ng isinagawang groundbreaking ceremony para sa proyekto na pinangunahan nina DOTr Sec. Jaime Bautista, SM Prime Holdings Inc. President Jeffrey Lim, DPWH Usec. Roberto Bernardo at MMDA Chair Romando Artes. Ang konstruksyon ng SM North EDSA… Continue reading Konstruksyon ng SM North EDSA Busway Concourse, lalarga na

Bilang ng mga lugar na apektado ng El Niño, bahagyang bumaba — Task Force El Niño

Bumaba pa sa 41 mula sa dating 50 mga lugar sa bansa ang nakararanas ngayon ng hagupit ng El Niño phenomenon. Ito ang iniulat ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. matapos muling pulungin nito ang Task Force El Niño kahapon. Ayon sa kalihim, binigyang-diin sa nangyaring pulong ang hakbang na ginagawa ng iba’t ibang ahensya… Continue reading Bilang ng mga lugar na apektado ng El Niño, bahagyang bumaba — Task Force El Niño

Suplay ng isdang Tamban na ginagawang sardinas, inaasahang tataas sa gitna ng banta ng El Niño

Tiwala ang mga nagtitinda ng isda sa Pasig City Mega Market na tataas ang suplay ng isda partikular na ng Tamban na ginagawang sardinas sa kabila na rin ng banta ng El Niño phenomenon. Ito’y makaraang ihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na pabor sa pagpapataas ng produksyon ng sardinas ang mainit… Continue reading Suplay ng isdang Tamban na ginagawang sardinas, inaasahang tataas sa gitna ng banta ng El Niño

PBBM, ipinag-utos ang pagpapatupad ng 10-year plan para sa mas maunlad at maayos pang industriya ng pagmamarino sa bansa

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-adopt sa 10-year Maritime Industry Development Plan 2028. Kasunod ito ng pagpapalabas ng Executive Order No. 55 na kung saan ay inaatasan ang MARINA Board na ipatupad ang mga programa sa modernisasyon at pagpapalawak ng domestic at overseas shipping gayundin ng shipbuilding at ship repair industry. Kasama… Continue reading PBBM, ipinag-utos ang pagpapatupad ng 10-year plan para sa mas maunlad at maayos pang industriya ng pagmamarino sa bansa

PNP helicopters, ginamit sa paghahatid ng relief supplies sa Davao Oriental

Namahagi ng relief goods ang Police Regional Office (PRO) 11 sa mga naapektuhan ng landslide sa Davao Oriental. Ayon kay PRO 11 Regional Director PBGen. Alden Delvo, ginamit ang helicopter ng PNP Air Unit upang maihatid ang sako-sakong relief goods. Kabilang dito ang 12 sako ng 25-kilong bigas, dalawang sako ng mga damit, apat na… Continue reading PNP helicopters, ginamit sa paghahatid ng relief supplies sa Davao Oriental

Upgrading ng military hospitals, tiniyak ni PBBM bilang Commander-in-Chief

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kabilang sa target ng kanyang administrasyon ang maiangat ang pasilidad ng mga pagamutan para sa mga kagawad mg Armed Forces of the Philippines (AFP). Bahagi ito ng nilalaman sa Facebook post ng Pangulo kasunod ng ginawa nitong pagbibigay ng gawad at pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalong… Continue reading Upgrading ng military hospitals, tiniyak ni PBBM bilang Commander-in-Chief

NBI, iniimbestigahan na rin ang mga bomb threat sa mga tanggapan ng gobyerno

Agad na kumilos ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang mga napaulat na bomb threat na bumulabog sa ilang tanggapan ng gobyerno. Tugon na rin ito sa direktiba ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla kaugnay ng pagbabanta ng isang Takahiro Karasawa. Ayon sa NBI, agad itong nakipag-ugnayan sa Japan Police Attache, iba pang… Continue reading NBI, iniimbestigahan na rin ang mga bomb threat sa mga tanggapan ng gobyerno