Murang sibuyas, patuloy na iniaalok sa Kadiwa Store

Tuloy-tuloy pa rin ngayong araw ang bentahan ng murang sibuyas sa Kadiwa Store ng Department of Agriculture (DA). Bahagi ito ng inisyatibong Sagip Sibuyas ng DA Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) bilang tulong sa mga magsasaka ng Caranglan Garlic and Onion Farmers Association (CGOA) ng Nueva Ecija sa pagbebenta ng kanilang limang toneladang sibuyas.… Continue reading Murang sibuyas, patuloy na iniaalok sa Kadiwa Store

Party-list solon, ikinalugod ang pagsisimula ng Kamara sa deliberasyon ng legislated wage hike

Umaasa si Deputy Speaker at TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza na mabilis lang mapagtitibay ng Kamara ang kaniyang House Bill 7871 o ₱150 across-the-board wage increase sa pribadong sektor sa buong bansa. Aniya malaking bagay ang atas ni Speaker Martin Romualdez sa House Committee on Labor and Employment na dinggin na sa lalong madaling… Continue reading Party-list solon, ikinalugod ang pagsisimula ng Kamara sa deliberasyon ng legislated wage hike

Suplay ng lokal na sibuyas sa Pasig City Mega Market, nananatiling matatag

Nananatiling matatag ang suplay ng sibuyas sa Pasig City Mega Market na siyang dahilan naman ng pagbaba ng presyo nito. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang mga nagtitinda ng gulay na bukod sa mga lokal na sibuyas ay may bumabagsak ding imported na sibuyas sa mga palengke. Kaya naman, mabibili ang pulang sibuyas… Continue reading Suplay ng lokal na sibuyas sa Pasig City Mega Market, nananatiling matatag

Philippine Maritime Zones Bill, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Senado

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang batas na magtatakda ng partikular na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas, kasama na ang karagatang maituturing na bahagi pa rin ng bansa. Ito ay ang Senate Bill 2492 o ang Philippine Maritime Zones Bill. Layon ng naturang panukala na tulungan ang bansa na igiit ang ating… Continue reading Philippine Maritime Zones Bill, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Senado

DSWD, Lanao del Norte LGU, pinagtibay ang pagtutulungan sa mga programang pangkapayapaan sa lalawigan

Muling pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kolaborasyon nito sa pamahalaang panlalawigan ng Lanao Del Norte para sa pagpapaigting ng mga nakatutok sa peace and development ng lalawigan. Sa isang pulong, tinalakay nina DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay at Lanao del Norte Governor Imelda Quibranza-Dimaporo ang… Continue reading DSWD, Lanao del Norte LGU, pinagtibay ang pagtutulungan sa mga programang pangkapayapaan sa lalawigan

Farmgate price ng palay nitong Enero, tumaas — PSA

Tumaas ang average farmgate price ng palay sa unang buwan ng 2024, ayon yan sa Philippine Statistics Authority (PSA). Sa tala nito, tumaas sa ₱25.08 ang kada kilo ng palay. Mas mataas ito ng 9.6% kung ikukumpara sa ₱22.89 kada kilo na palay farmgate price noong Disyembre ng 2023 at mas mataas rin ng 41.4%… Continue reading Farmgate price ng palay nitong Enero, tumaas — PSA

Pilipinas, nanindigang walang nilalabag sa ginawang pagpapatrolya nito kasama ang Amerika sa West Philippine Sea

Nanindigan ang Pilipinas na wala itong nilalabag na anuman sa ginawang pagpapatrolya nito kasama ang Amerika sa West Philippine Sea. Ito ang sagot ng National Security Council sa alegasyon ng China na pinalalala lamang umano ng Pilipinas ang tensyon sa naturang karagatan sa pamamagitan ng pagpapatrolya nito sa karagatan kasama ang Amerika. Ayon kay National… Continue reading Pilipinas, nanindigang walang nilalabag sa ginawang pagpapatrolya nito kasama ang Amerika sa West Philippine Sea

Illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho patungong Poland, arestado ng pinagsanib na puwersa ng DMW at CIDG

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang illegal recruiter. Ito’y sa ikinasang joint operation ng Migrant Workers Protection Bureau ng DMW at ng Criminal Inevestigation and Detection Group Anti-Transnational Crime Unit sa Lungsod ng Maynila. Nakilala ang suspek na si… Continue reading Illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho patungong Poland, arestado ng pinagsanib na puwersa ng DMW at CIDG

PNP, dumistansya sa alegasyon ni Pastor Apollo Quiboloy na nagsasabwatan ang pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos laban sa kanya

Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na may nalalaman sila sa alegasyon ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy na nagsasabwatan ang pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos laban sa kanya. Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang mga pahayag ni Quiboloy ay kanyang sariling mga… Continue reading PNP, dumistansya sa alegasyon ni Pastor Apollo Quiboloy na nagsasabwatan ang pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos laban sa kanya

Philippine Air Force, rumesponde sa 2 panibagong forest fire sa Benguet

Nag-deploy ang Philippine Air Force (PAF) ng Super Huey Helicopter mula sa 505th Search and Rescue Group para tumulong sa pag-apula ng dalawang panibagong forest fire na sumiklab sa kabundukan ng Benguet kahapon. Ayon kay PAF Spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, nagsagawa ito ng serye ng heli-bucket operations para sabuyan ng tubig ang mga sunog… Continue reading Philippine Air Force, rumesponde sa 2 panibagong forest fire sa Benguet