Pagtalima sa minimum wage order ng mga kompanya, dapat muna tiyakin bago magpatupad ng umento sa sahod

Mababalewala lang ang panukalang umento sa sahod kung hindi pa rin tatalima ang mga kompanya sa minimum wage orders. Ito ang binigyangdiin ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera sa gitna ng usapin ng Legislated Wage Hike. Tinukoy ng mambabatas ang Occupational Wages Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa sektor ng agrikultura, kung saan… Continue reading Pagtalima sa minimum wage order ng mga kompanya, dapat muna tiyakin bago magpatupad ng umento sa sahod

CSC, nagbabala laban sa mga nagpapanggap na kawani ng komisyon

Pinag-iingat ng Civil Service Commission (CSC) ang publiko laban sa ilang mga indibidwal na nagpapanggap na kawani ng komisyon para makapambiktima. Naglabas ng pahayag ang CSC kung saan inaabisuhan nito ang publiko na huwag paniwalaan ang mga tumatawag na indibidwal na nagsasabing kinatawan sila ng komisyon partikular na ng Office for Legal Affairs (OLA). Sa… Continue reading CSC, nagbabala laban sa mga nagpapanggap na kawani ng komisyon

Presyo ng sibuyas sa Agora Public Market sa San Juan City, bumaba

Aabot sa ₱20 ang ibinaba sa presyo ng sibuyas gayundin ng iba pang mga gulay sa Agora Public Market sa San Juan City. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nasa ₱80/kilo ang pulang sibuyas mula sa dating ₱100/kilo habang ang puting sibuyas naman ay naglalaro sa ₱60 hanggang ₱70 ang kada kilo. Bumaba rin ang presyo… Continue reading Presyo ng sibuyas sa Agora Public Market sa San Juan City, bumaba

Mga residente ng Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City, nanghihinayang sa mga may tagas na tubo ng tubig sa kanilang lugar

Nangangamba ngayon ang mga residente ng Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City. Ito’y dahil bukod sa papalapit na tag-init, unti-unti nang nararamdaman ang epekto ng El Niño at dumagdag pa sa kanilang alalahanin ang mga tumatagas na tubo ng tubig sa kanilang komunidad. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, tumambad ang sala-salabat na koneksyon ng tubo… Continue reading Mga residente ng Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City, nanghihinayang sa mga may tagas na tubo ng tubig sa kanilang lugar

Higit 3.3 milyong Pilipino, nakinabang sa livelihood program ng DSWD

Umabot na sa higit 3.3 milyong benepisyaryo ang natutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng inisyatibo nitong Sustainable Livelihood Program (SLP). Layon ng programa na maiangat ang mga Pilipinong nasa vulnerable at marginalized sector sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng start-up capital para sa maliliit na negosyo. Ayon kay… Continue reading Higit 3.3 milyong Pilipino, nakinabang sa livelihood program ng DSWD

Senado, nanindigang sa Oktubre pa inaasahang matatapos ang pagdinig sa panukalang Economic Cha-Cha

Iginiit ni Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairperson Senador Sonny Angara na sa Oktubre pa maaaring matapos ng Senado ang mga pagdinig tungkol sa panukalang pag-amyenda sa economic provision ng Saliganag Batas o ang Resolution of Both Houses No. 6. Sinabi ito ng senador matapos ipahayag ng ilang kongresista na tatapusin ng Kamara ang mga… Continue reading Senado, nanindigang sa Oktubre pa inaasahang matatapos ang pagdinig sa panukalang Economic Cha-Cha

Panukalang ₱100 minimum wage hike, maaaring ipatupad ng pautay-utay — isang mambabatas

Suportado ni Manila Representative Joel Chua ang panukala na itaas ang minimum wage sa buong bansa. Ayon sa mambabatas, dapat nga ay wala nang minimum wage sa anumang rehiyon sa Pilipinas na mas mababa sa poverty-threshold na ₱13,797 kada buwan. Ngunit dapat aniyang gawin ito sa paraang hindi manganganak ng iba pang problema. Kung ipatutupad… Continue reading Panukalang ₱100 minimum wage hike, maaaring ipatupad ng pautay-utay — isang mambabatas

CHED, ikinalugod ang nakuhang mataas na performance at trust rating sa OCTA survey

Welcome sa Commission on Higher Education (CHED) ang naitalang mataas na performance at trust rating ng komisyon sa inilabas na Tugon ng Masa survey ng OCTA Research Group. Sa naturang survey, nagkamit ang CHED ng 82% na performance rating at 83% na trust rating. Ayon kay CHED Secretary Popoy de Vera, ang resultang ito ay… Continue reading CHED, ikinalugod ang nakuhang mataas na performance at trust rating sa OCTA survey

87% ng mga Pinoy, ramdam ang epekto ng climate change — SWS survey

Nasa 87% o mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang naranasan na nila ang epekto ng climate change sa nakalipas na tatlong taon, batay yan sa survey ng Social Weather Stations o SWS. Ayon sa survey, 19% ang nagsabing malala ang kanilang naranasang epekto ng climate change, 43% naman ang ‘moderate’ habang 24% ang nagsabing maliit… Continue reading 87% ng mga Pinoy, ramdam ang epekto ng climate change — SWS survey

PCO, pinuri sa mga hakbang nito para ibahagi sa mga estudyante ang information literacy para malabanan ang fake news, disinformation

Pinuri ni Leyte Normal University President Dr. Evelyn Aguirre ang Presidential Communications Office (PCO) sa pagdadala nito ng kanilang “Campus Caravan” sa kanilang unibersidad. Ang Campus Caravan ay aktibidad ng PCO na kung saan ay ibinibahagi ang kailangang kaalaman sa mga estudyante na may kinalaman sa information literacy upang labanan ang fake news at disinformation.… Continue reading PCO, pinuri sa mga hakbang nito para ibahagi sa mga estudyante ang information literacy para malabanan ang fake news, disinformation