Central Bangus Hatchery ng BFAR sa region 7, gumagana na sa full capacity

Ipinagmalaki ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Region 7, ang kanilang Central Bangus Hatchery sa Panganan, Calape, Bohol. Ayon kay Conrado Toston, officer-in-charge ng pasilidad, kasalukuyan nang gumagana sa full capacity, ang hatchery. Mayroon na itong stockpile na 1.7 milyong itlog na inani mula sa floating fish cages nitong Pebrero 2024. Sinabi pa… Continue reading Central Bangus Hatchery ng BFAR sa region 7, gumagana na sa full capacity

African woman, kalaboso matapos mahuling gumagamit ng pekeng visa

Hinuli ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 23-taong gulang na babaeng Senegalese matapos subukan nitong lumipad patungong Europe gamit ang pekeng Schengen visa. Kinilala ng mga awtoridad ang nasabing babae na si Binetou Dieng na pinaghihinalaan ng BI na konektado sa syndicate trafficking ng mga African sa Europa. Napag-alaman ding kagagaling… Continue reading African woman, kalaboso matapos mahuling gumagamit ng pekeng visa

DA chief, nagtalaga ng bagong opisyal sa kagawaran

Nagtalaga ng bagong opisyal si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa Department of Agriculture (DA). Itinalaga ng kalihim si Atty. Paz Benavidez II bilang assistant secretary for policy and regulations. Isa sa pangunahing gawain ni Asec. Benavidez ay ang pamunuan ang secretariat ng oversight panel ng Department of Agriculture sa pagpapalabas ng mga regulasyon,… Continue reading DA chief, nagtalaga ng bagong opisyal sa kagawaran

PCG, nakatakdang mag-install ng 10 Vessel Traffic Management System stations sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang ceremonial grant signing para sa planong pagtatag ng Philippine Coast Guard (PCG) ng 10 Vessel Traffic Management System (VTMS) stations sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Dahil dito, ipinahayag ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang… Continue reading PCG, nakatakdang mag-install ng 10 Vessel Traffic Management System stations sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Mga nasunugan sa Dasmariñas Cavite, pinagkalooban ng tulong pinansyal ng NHA

Inabutan na ng financial aid ng National Housing Authority (NHA) ang 38 pamilya na nasunugan sa 4 na barangay sa Dasmariñas Cavite. Ayon kay NHA Region IV Manager Roderick Ibañez, bawat isa ay tumanggap ng ₱10,000 para sa kabuuang ₱380,000. Ang mga benepisyaryo ay mula sa barangays Paliparan, Burol, Langkaan at Salitran, Dasmariñas. Isinagawa ng… Continue reading Mga nasunugan sa Dasmariñas Cavite, pinagkalooban ng tulong pinansyal ng NHA

Antipolo LGU, maglulunsad ng Job Fair bukas

Isasagawa na bukas, Marso 4, ng pamahalaang lungsod ng Antipolo ang Job Fair sa lungsod. Sa abiso ng local government unit (LGU), gagawin ang Job Fair sa ikatlong palapag ng SM Cherry, sa Barangay Mayamot mula alas-8:00 ng umaga  hanggang alas-3:00 ng hapon. Nanawagan ang LGU sa mga fresh graduates at job hunters na samantalahin… Continue reading Antipolo LGU, maglulunsad ng Job Fair bukas

DOE, ipinaliwag ang nangyaring partial blackout sa Panay noong Biyernes; serbisyo ng kuryente balik na sa mga apektadong lugar

Ipinaliwanag ng Department of Energy (DOE) ang dahilan ng naranasang partial blackout sa mga lugar sakop ng Panay nitong araw ng Biyernes. Ayon sa DOE, tatlong unit ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) ang nag-shutdown noong Biyernes, 6:59 ng gabi, dahilan upang magkaroon ng partial blackout ang Panay sub-grid at ilang bahagi ng Negros. Unti-unti… Continue reading DOE, ipinaliwag ang nangyaring partial blackout sa Panay noong Biyernes; serbisyo ng kuryente balik na sa mga apektadong lugar

Pangulong Marcos, biyaheng Australia na para sa ika-50 ASEAN – Australia Summit

Eksakto 8:21, Linggo ng umaga (March 3), tumulak na ang PR 001 sa Melbourne, Australia para sa pakikibahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-50 ASEAN – Australia Summit, simula March 4 – 6, 2024. “There will be two main engagements with the Leaders Plenary where we will take stock of ASEAN – Australia… Continue reading Pangulong Marcos, biyaheng Australia na para sa ika-50 ASEAN – Australia Summit

Pinsala ng El Niño sa agrikultura, mahigit ₱357 million na

Pumalo na sa higit ₱357.4 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa iba’t ibang rehiyon sa bansa dulot ng El Niño phenomenon. Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, pinakamataas na pinsala ay naitala sa Western Visayas partikular sa Iloilo na aabot sa ₱127 million sunod… Continue reading Pinsala ng El Niño sa agrikultura, mahigit ₱357 million na

Makati at Taguig City kapwa naglabas ng kanilang panig sa nangyaring tensyon sa Makati Park and Garden

Mariing kinondena ng lungsod ng Makati at Taguig ang bawat isa sa mga inilabas nitong pahayag nitong nagdaang linggo matapos ang tensyong naganap sa Makati Park and Garden nitong Biyernes. Sa pahayag ng Makati City, sinisisi nito ang Taguig na umano’y inaagaw ang legal na pag-aari ng kanilang lungsod na pinondohan ng buwis ng mga… Continue reading Makati at Taguig City kapwa naglabas ng kanilang panig sa nangyaring tensyon sa Makati Park and Garden