Marikina LGU at DOH, nagkasa ng aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Heart Month

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina at Department of Health (DOH) ang “Ka-Heartner, Puso ang Piliin Health Fair” sa Markina Sports Center ngayong araw. Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Heart Month. Sa mensahe ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, binigyang diin nito ang pagkakaroon ng healthy lifestyle upang makaiwas sa mga sakit… Continue reading Marikina LGU at DOH, nagkasa ng aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Heart Month

DFA, tiniyak na hindi makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at Thailand ang pagkakasangkot ng Pinoy transgenders sa kaguluhan doon

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi makakaepekto sa alyansa ng Pilipinas at Thailand ang pagkakasangkot sa bugbugan sa nasabing bansa ng ilang Pinoy transgenders. Ayon sa DFA, ito ay lalo na’t isolated lang naman ang nasabing insidente. Pinasalamatan naman ng Philippine Embassy sa Bangkok ang Royal Thai Police sa mabilis na pagpapalabas… Continue reading DFA, tiniyak na hindi makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at Thailand ang pagkakasangkot ng Pinoy transgenders sa kaguluhan doon

Resolution of Both Houses No. 7 o economic charter change, pormal nang iniakyat sa plenaryo ng Kamara

Naiakyat na sa plenaryo ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 o panukalang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas. Sa sponsorship speech ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe itinuturing niya itong makasaysayan bunsod na rin ng halos 2,481 na minuto o 41 oras na deliberasyon ng Committee of the Whole House… Continue reading Resolution of Both Houses No. 7 o economic charter change, pormal nang iniakyat sa plenaryo ng Kamara

Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia, nagpaalala na hanggang sa Marso 15 na lamang ang aplikasyon para sa Shariah Bar exams

Nagpaalala ang Philippine Embassy sa Saudi Arabia na hanggang sa ika-15 ng Marso na lamang ang aplikasyon para sa Shariah Bar exams na gaganapin sa Abril sa Maynila. Ayon sa embahada, ang Supreme Court ay nag-aalok na magbigay ng travel at accommodation para magkaroon ng pagkakataong makalahok sa bar exam ang mga Pilipinong nasa Saudi.… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia, nagpaalala na hanggang sa Marso 15 na lamang ang aplikasyon para sa Shariah Bar exams

Speaker Romualdez, nakikiisa sa paggunita ng Filipino Muslim community sa banal na buwan ng Ramadan

Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang mensahe ng pakikiisa sa mga kababayan nating Muslim sa kanilang pagsisimula sa paggunita ng buwan ng Ramadan. Aniya, malaki ang kaniyang paggalang sa ipinapakitang dedikasyon at debosyon ng Filipino Muslim Community sa sagradong bahagi ng kanilang pananalampataya. Batid niya ang kahalagahan ng Ramadan bilang pagkakataon na magnilay at… Continue reading Speaker Romualdez, nakikiisa sa paggunita ng Filipino Muslim community sa banal na buwan ng Ramadan

DFA, nilinaw ang kumakalat sa umano’y pagkasangkot ng dalawang Pinoy sa pagkamatay ng mag-asawang Japanese National sa Japan

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nangyaring pag-amin sa krimen ang dalawang Pilipino na inaresto kaugnay sa pagkamatay ng mag-asawang Hapon sa Tokyo, Japan kamakailan. Ito’y matapos kumalat ang ulat sa social media ang umano’y pag-amin ng dalawang Pinoy na suspect dahil nahuli-cam ang mga itong bumibili ng mga patalim o kutsilyo.… Continue reading DFA, nilinaw ang kumakalat sa umano’y pagkasangkot ng dalawang Pinoy sa pagkamatay ng mag-asawang Japanese National sa Japan

Trade Sec. Pascual, nakipagpulong sa mga delegado ng US Trade Mission

Nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa delegado ng US Trade Mission ngayon araw. Nagkaroon ng pag-uusap si US Secretary for Commerce, Gina Riambondo sa tatakbuhin ng naturang trade mission ng Estado Unidos sa bansa. Dala ng naturang grupo ang nasa 22 kumpanya mula sa sektor ng digital economy energy… Continue reading Trade Sec. Pascual, nakipagpulong sa mga delegado ng US Trade Mission

Lokal na pamahalaan ng Muntinlupa, hindi iba-ban ang e-trikes sa kanilang lungsod

Hindi iba-ban ng lungsod ng Muntinlupa ang pagbiyahe ng e-trikes sa kanilang lungsod. Ito’y matapos na maglabas ng resolusyon ang Metro Manila Council hinggil sa pagsuspinde ng e-trikes sa buong Metro Manila. Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, hindi nila iba-ban ang e-trikes sa lansangan bagkus maglalagay sila ng regulasyon sa mga dadaanan lamang… Continue reading Lokal na pamahalaan ng Muntinlupa, hindi iba-ban ang e-trikes sa kanilang lungsod

QC LGU, nanawagan ng proteksyon para sa mga kababaihan laban sa anumang uri ng karahasan

Nanawagan ang Quezon City Government sa mga residente ng lungsod partikular sa mga kalalakihan na ipagtanggol ang mga kababaihan laban sa iba’t ibang uri ng karahasan. Ito’y sa gitna ng pagdiriwang ng National Women’s Month na layong ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan laban sa pang-aabuso at pananamantala. Binigyang diin ni QC Mayor Joy Belmonte,… Continue reading QC LGU, nanawagan ng proteksyon para sa mga kababaihan laban sa anumang uri ng karahasan

Mas malawak na bike lanes sa Metro Cebu, pinasinayaan ng DOTr

Pinasinayaan ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways, at Lokal na Pamahalaan ng Cebu ang mas malawak at upgraded na bike lanes at end-of-trip cycling facilities sa Metro Cebu ngayong araw. Sa mensahe ni Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad, binigyang diin nito ang target ng DOTr… Continue reading Mas malawak na bike lanes sa Metro Cebu, pinasinayaan ng DOTr