28 libong barangay sa bansa, idineklara nang drug-free – DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr ang pagdeklara bilang drug free ng 28,000 barangay sa bansa.

Sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program, umabot na ng 95,790 drug users ang naaresto at Php21-Billion halaga ng illegal drugs ang nakumpiska.

Nagawa ito sa loob ng 75,831 drug operations ng law enforcement agencies sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ibinunyag din ng kalihim ang pagsasampa ng kaso sa 177 police personnel na nasangkot sa illegal drugs.

Bukod aniya sa matagumpay na anti-drugs campaign, may 1,534 LGUs ang aktibo sa kanilang community-based drug rehabilitation (CBDR) program.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us