Paiigtingin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang clearing operations sa kasagsagan ng rehabilitasyon ng EDSA-Kamuning Flyover Southbound sa Quezon City.
Ito ay upang masiguro na maluwag at walang obstruction ang mga nilatag na alternatibong ruta.
Inaasahang tatagal ang pagkukumpi sa nasabing flyover ng halos isang taon.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, may magmamando ng trapiko at may iikot din na clearing team araw-araw.
Ito ay para hatakin at tiketan ang mga sasakyan na ilegal na nakaparada na may multang P4,000 at kukumpiskahin naman ang mga sasakyang nakaharang sa daan.
Kabilang sa alternatibong ruta ay ang: Panay Avenue, Sgt. Esguerra, Timog, Mo. Ignacia Avenue, GMA, Network Drive, Eugenio Lopez Jr. Dr., Scout Borromeo, Samar Avenue at ilan pang kalapit na lugar. | ulat ni Diane Lear