Kapwa akusado ni Pastor Apollo Quiboloy, nagpahiwatig na susuko ayon sa CIDG

Kasalukuyang nakikipag-negotiate ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isa sa mga kapwa-akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) lider Pastor Apollo Quiboloy sa kasong qualified human trafficking at child abuse. Ayon kay CIDG Director Police Maj. General Leo Francisco, dahil dito ay possibleng sumuko anumang araw si Barangay Tamayong Chairman Cresente Chavez Canada.… Continue reading Kapwa akusado ni Pastor Apollo Quiboloy, nagpahiwatig na susuko ayon sa CIDG

AFP, nakiisa sa paggunita ng “Memorial Day”

Nakiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa United States Embassy sa Manila, sa paggunita ng “Memorial Day” sa Manila American Cemetery and Memorial kahapon. Ang aktibidad ay bilang pagkilala sa kagitingan at sakripisyo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na magkakasamang nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General… Continue reading AFP, nakiisa sa paggunita ng “Memorial Day”

Ulang dala ng Bagyong Aghon, bahagyang nakadagdag sa lebel ng tubig sa Angat Dam

Nakatulong ang mga pag-ulang dala ng Bagyong Aghon para bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay umakyat sa 179.79 meters ang lebel tubig sa Angat Dam. Nadagdagan ito ng .93 meters mula sa naitala kahapon na 178.86 meters. Gayunman, mas mababa… Continue reading Ulang dala ng Bagyong Aghon, bahagyang nakadagdag sa lebel ng tubig sa Angat Dam

Mga apektado ng Bagyong Aghon, lagpas sa 19k na

Umabot na sa 8,465 pamilya, o katumbas ng 19,373 indibidwal ang apektado ng Bagyong Aghon batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ang mga apektado ng sama ng panahon ay mula sa CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5 at 8. Iniulat din ng NDRRMC na 13 lugar ang binaha sa MIMAROPA… Continue reading Mga apektado ng Bagyong Aghon, lagpas sa 19k na

Higit 1k indibidwal na apektado ng Bagyong Aghon, natulungan ng PRC

Tinatayang aabot sa mahigit isang libong indibidwal ang nahatiran ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Aghon. Batay sa ulat ng PRC, tinatayang 900 indibidwal ang binigyan ng hot meals sa Brgy. Dos sa Lungsod ng Calamba. Kasunod nito, nasa 165 na indibidwwal ang binigyan ng tulong sa Brgy.… Continue reading Higit 1k indibidwal na apektado ng Bagyong Aghon, natulungan ng PRC

Ilang biyahe ng bus sa PITX, balik operasyon na

Kinumpirma ng pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange na karamihan sa mga kanseladong biyahe ng bus dahil sa Bagyong Aghon ay balik operasyon na ngayong araw. Ayon sa inilabas na listahan ng PITX, ang rutang San Jose, Mindoro ng Ceres bus company kaninang umaga ay nakabalik na sa operasyon habang ang biyahe nito mamayang 1:30… Continue reading Ilang biyahe ng bus sa PITX, balik operasyon na

Panukala para sa murang funeral service package, nakausad na sa plenaryo ng Kamara

Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pinagtibay ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukala para mabigyan ng abot kayang funeral service package ang mga mahihirap na pamilya. Salig sa House Bill 102 o Affordable Funeral Service Act na akda ni House Deputy Speaker at Cebu Rep. Duke Frasco, titiyakin ng mga funeral company na… Continue reading Panukala para sa murang funeral service package, nakausad na sa plenaryo ng Kamara

Mas malawak na internet access, ipinanawagan ng stakeholders

Hinikayat ng mga stakeholder ang pamahalaan na higit na bigyang halaga ang pagpapalakas sa investment ng Pilipinas sa broadband connections, binigyang-diin ang pangangailangan para sa mas mabilis at mas mahusay na internet connection sa mga Pilipino. Sa isang statement, sinabi ng CitizenWatch Philippines, isang advocacy network, na ngayong 2024, sangkapat ng Filipino population ang mananatiling… Continue reading Mas malawak na internet access, ipinanawagan ng stakeholders

BDO, nilinaw sa House Franchise panel ang umano’y reklamo nito sa MERALCO

Kinunpirma ni House Committee on Legislative Franchises Chair Gus Tambunting na nakatanggap ang komite ng liham mula sa Banco de Oro (BDO), na naglilinaw ukol sa reklamo umano ng banko laban sa MERALCO. Ito ay sa gitna pa rin ng pagtalakay ng franchise renewal ng power provider. “Yes, there was a letter,” sabi ni Tambunting… Continue reading BDO, nilinaw sa House Franchise panel ang umano’y reklamo nito sa MERALCO

Kamara, niratipikahan na ang Bicam Report ng Magna Carta of Filipino Seafarers

Ratipikado na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee Report ng panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers. Ginawa ang ratipikasyon bago ang sine die adjournment noong Miyerkoles, May 23. Matatandaan na noong Pebrero ay binawi ng Kapulungan ang naunang Bicam Report ng panukala para ayusin ang probisyon tungkol sa hurisdiksyon. Ayon naman kay Kabayan Party-list Representative… Continue reading Kamara, niratipikahan na ang Bicam Report ng Magna Carta of Filipino Seafarers