Marcos Jr. Administration, tiniyak na nakararating sa flood victims ang ayuda ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Marcos Jr. Administration na nakaaabot ang financial assistance at relief supplies ng pamahalaan sa mga pamilya sa Matanog, Maguindanao del Norte na apektado ng sama ng panahon.

Ayon kay Special Assistance to the President Anton Lagdameo, tulad ng una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., aasistihan ng national government katuwang ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Government ang flood-affected families, upang masiguro na makakasabay sa epekto ng Habagat ang mga ito.

“We are here to make sure na matugunan lahat ng pangangailangan. You have the full support of the national government and BARMM government,” -Secretary Lagdameo.

Katuwang si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, personal na ibinaba ng mga kalihim ang ayuda ng national government sa lugar.

Base sa datos, hindi bababa sa 76 pamilya sa Matanog, Maguindanao del Norte ang nakatanggap ng P5,000 makaraang mapinsala ng mga pagbaha ang kanilang bahay.

Nasa 286 na residente naman, na totally damaged ang tirahan ang nakatanggap ng P10,000.

P10, 000 rin ang ipinagkaloob na burial assistance para sa ilang residente.

“At the Balabagan Evacuation Center, the government also extended a total of PhP785,000 in financial assistance to 157 residents whose houses were partially damaged (PhP5,000 each); PhP100,000 to 10 residents whose houses were totally damaged (PhP10,000 each); and PhP10,000 in burial assistance to each of two residents.” -PCO. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us