Puganteng Korean national, naaresto sa tanggapan ng BI sa Maynila

Inaresto ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Koreanong pugante na wanted sa kaso ng fraud sa kaniyang bansa habang nagpoproseso ito ng kanyang bagong pasaporte sa mismong tanggapan ng BI sa Intramuros, Maynila. Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang 56-anyos na Koreano na sinasabing pinaghahanap ng mga awtoridad sa South Korea… Continue reading Puganteng Korean national, naaresto sa tanggapan ng BI sa Maynila

San Fabian, Pangasinan LGU, nakipagpartner sa DHSUD para sa pagpapatayo ng housing project

Plano na rin ng isang local government unit sa Pangasinan na magtayo ng housing projects sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Isang kasunduan ang pormal nang nilagdaan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng San Fabian, Pangasinan LGU para sa proyektong… Continue reading San Fabian, Pangasinan LGU, nakipagpartner sa DHSUD para sa pagpapatayo ng housing project

Tatlong evacuation centers, itinalaga para sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Tondo, Maynila

Itinalaga ng Lungsod ng Maynila ang tatlong evacuation centers upang bigyan ng pansamantalang tirahan ang halos 1,000 pamilya na naapektuhan ng malaking sunog na tumupok sa isang residential area kahapon, September 14 sa Tondo, Maynila. Matatagpuan ang mga evacuation center sa covered courts ng Barangay 105 at 106, pati na rin sa Vicente Lim Elementary… Continue reading Tatlong evacuation centers, itinalaga para sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Tondo, Maynila

1K pamilya, apektado ng naganap na sunog sa Tondo, Maynila

Tinatayang umabot sa humigit-kumulang sa 1,000 pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab kahapon ng tanghali sa Aroma St., Road 10, Tondo, Lungsod ng Maynila na tumupok sa ilang istruktura at kabahayan sa lugar. Ayon sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni Fire Senior Inspector Alejandro Ramos, Chief Investigator ng… Continue reading 1K pamilya, apektado ng naganap na sunog sa Tondo, Maynila

Iba pang Tollways, nagpatupad ng 100% RFID Lane para sa dryrun ng cashless transaction ng mga Expressway

Nagpatupad na rin 100% RFID Lanes ang Easytrip Services Corporation sa iba pang tollway sa bansa. Ang hakbang na ito ay bahagi ng dryrun sa pagpapatupad ng cashless o contactless transaction sa mga expressway simula Oktubre. Sa abiso na ng Easytrip, ipinatutupad na rin ang 100% RFID Lanes sa North Luzon Expressway (NLEX); Subic-Clark-Tarlac Expressway… Continue reading Iba pang Tollways, nagpatupad ng 100% RFID Lane para sa dryrun ng cashless transaction ng mga Expressway

DSWD, namamahagi na ng relief goods sa mga naapektuhan ng Habagat at Bagyong #FerdiePH sa Zamboanga

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng paunang relief assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng habagat at bagyong Ferdie sa Zamboanga Peninsula. Sa ulat ng DSWD Field Office (FO) 9, abot sa Php62,600.14 halaga ng tulong ang ipinamahagi sa mga displaced families sa Zamboanga City sa Zamboanga del Sur,… Continue reading DSWD, namamahagi na ng relief goods sa mga naapektuhan ng Habagat at Bagyong #FerdiePH sa Zamboanga

Presyo at suplay ng sibuyas, karne ng baboy at manok, magiging matatag sa panahon ng kapaskuhan-DA

Walang inaasahang pagtaas sa presyo ng sibuyas, karne ng baboy at manok ngayong panahon ng kapaskuhan. Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel De Mesa, maganda ang presyo ng pulang sibuyas ngayon dahil sa katatapos na harvest noong nakaraang season. Mahigit sa 40 porsyento ng area ang tumaas ang harvest at posibleng tumagal… Continue reading Presyo at suplay ng sibuyas, karne ng baboy at manok, magiging matatag sa panahon ng kapaskuhan-DA

“Parol Making Contest,” ilulunsad na para ngayong taon ng QC Vice Mayor’s Office

Binuksan na ng tanggapan ng Bise Alkalde ng Lungsod Quezon ang pagtanggap ng mga entry para sa “Christmas Parol Making Contest” ngayong taon. Ang paglulunsad ng “Kumukutitap 4: Maningning na Pasko ng Pamilyang Pinoy” ay inisyatiba ng Vice Mayors Office at ETON Centris at ETON Properties Philippines Inc. Ayon kay QC Vice Mayor Gian Sotto,… Continue reading “Parol Making Contest,” ilulunsad na para ngayong taon ng QC Vice Mayor’s Office

14 Pulis na inakusahang dumukot sa 4 na drug suspect sa Cavite noong 2021, inabuswelto ng DOJ

Pinawalang sala ng Department of Justice (DOJ) ang nasa 14 na pulis na nakusahang dumukot sa 4 na drug suspect sa Tagaytay City sa Cavite noong 2021. Batay sa inilabas na resolusyon ni DOJ Assistant Prosecutor Honey Rose Delgado, walang sapat na ebidensyang magdiriin sa mga akusadong pulis. Kabilang sa mga naabsuwelto sa kasong kidnapping… Continue reading 14 Pulis na inakusahang dumukot sa 4 na drug suspect sa Cavite noong 2021, inabuswelto ng DOJ