Mahigit 5,000 pulis tumutulong sa HADR operations sa mga nasalantang lugar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasalukuyang tumutulong sa Humanitarian and Disaster Relief Operations (HADR) ang 5,234 na pulis sa iba’t ibang lugar na apektado ng bagyong Enteng at Habagat.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo karamihan sa bilang na ito ang naka-deploy sa mga evacuation center sa Region 4A, Bicol at National Capital Region (NCR).

Photo courtesy of Philippine National Police PIO

Sinabi ni Fajardo, na inatasan narin ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng Regional Directors, na paganahin ang kanilang Regional Disaster Incidence Management Task Group upang mayroon silang susundang protocols sa pagsasagawa ng HADR operations.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang monitoring ng PNP sa mga lugar na apektado ng malakas na ulan at pagbaha bunsod ng bagyong Enteng at habagat. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us