Nagdeploy ang Philippine Navy ng mga disaster response and rescue teams (DRRTs), at surge rapid response teams (SRRTs), sa mga lugar sa Metro Manila at mga karatig lalawigan na apektado ng Bagyong “Enteng” at Habagat.
Ayon kay Phil. Navy spokesperson Commander John Percie Alcos, simula pa noong Setyembre 2 ay aktibo ang mga team ng Phil. Navy sa pagsasagawa ng rescue and relief operations.
Sinabi ni Alcos na umabot sa 103 evacuee ang naligtas ng Naval Installation and Facilities Cavite DRRT Team, at dinala ang mga ito sa evacuation center sa Cavite State University (CAVSU)-Niog.
Bukod dito, 430 sako ng relief goods ang ikinarga sa mga trak ng tauhan ng Phil. Navy kasama ang mga tropa ng 404th Solar Wind Task Force Battalion para ihatid sa Bacoor City Disaster Risk Reduction & Management Office (DRRMO). | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of Phil. Navy