Vat Refund Law, inaasahang mapapalakas ang turismo sa bansa

Kumpiyansa ang House Speaker na mas lalong lalago ang turismo ng bansa maging ang tourist related na mga negosyo sa pagiging ganap na batas ng VAT Refund Mechanim para sa mga non-resident tourist. Sa ilalim ng bagong VAT Refund Law, ang mga turista o non-resident foreign passport holder ay maaaring kumuha ng refund para sa… Continue reading Vat Refund Law, inaasahang mapapalakas ang turismo sa bansa

NHA, namigay ng titulo ng lupa sa 385 pamilya sa Quezon City

Kabuuang 385 na pamilya na residente ng Barangay Holy Spirit at Batasan Hills sa Quezon City, ang pinagkalooban na ng Transfer Certificates of Title ng National Housing Authority (NHA). Sa kabuuang benepisyaryo, 135 pamilya ang residente ng National Government Center Housing and Development Project Westside, habang ang 250 ay mula sa Eastside. Pinangunahan ni NHA… Continue reading NHA, namigay ng titulo ng lupa sa 385 pamilya sa Quezon City

RAA sa pagitan ng Pilipinas at Japan, magpapalakas sa defense capabilities ng ating bansa – Sen. Jinggoy Estrada

Binigyang diin ni Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense Chairman Senador Jinggoy Estrada na mapapalakas ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan ang Defense Capabilities ng Pilipinas sa gitna ng tensyon sa rehiyon, partikular sa West Philippine Sea. Ayon kay Estrada, sa tulong ng kasunduang ito ay… Continue reading RAA sa pagitan ng Pilipinas at Japan, magpapalakas sa defense capabilities ng ating bansa – Sen. Jinggoy Estrada

90.79% ng mga barangay sa Catanduanes, naibalik na ang suplay ng Kuryente

Puspusan pa rin ngayon ang mga aktibidad sa power restoration ng First Catanduanes Electric Cooperatives (FICELCO) sa Catanduanes. Batay sa pinakahuling tala ng kooperatiba, 90.79% na ng mga barangay sa lalawigan ang naibalik na ang suplay ng kuryente. Sa ngayon, ang Palumbanes Island sa Caramoran at Panay Island sa Bagamanoc, pati na ang ilang barangay… Continue reading 90.79% ng mga barangay sa Catanduanes, naibalik na ang suplay ng Kuryente

Mas pinaagang Kadiwa ng Pangulo, bubuksan sa Disyembre 11 ng NIA

Muling bubuksan sa publiko ang Kadiwa ng Pangulo sa National Irrigation Administration sa Miyerkules, Disyembre 11. Ang mas pinaagang Kadiwa Stores ay isasagawa upang bigyang daan ang NIA-Year End Assessment tungo sa mas mahusay na serbisyo para sa mga bagong bayaning magsasaka at mamamayan. Matatagpuan ang Kadiwa ng Pangulo sa Central Office nito sa Quezon… Continue reading Mas pinaagang Kadiwa ng Pangulo, bubuksan sa Disyembre 11 ng NIA

Nakatakdang paguwi sa bansa ni Mary Jane Veloso, welcome sa CHR

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang naging desisyon ng Indonesian Govt. na ilipat na si Mary Jane Veloso sa Pilipinas upang dito ipagpatuloy ang natitira niyang sentensya. Sa isang pahayag, nagpaabot ng pasasalamat ang CHR kay Indonesian President Prabowo Subianto, Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. at sa Department of Foreign Affairs. Ayon sa… Continue reading Nakatakdang paguwi sa bansa ni Mary Jane Veloso, welcome sa CHR

DA Chief, nagpasalamat sa kongreso dahil sa pagpapalawig sa RCEF hanggang 2031

Nagpaabot ng pasasalamat si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Kongreso dahil sa pagpapalawig sa Rice Tariffication Law(RCEF) na mapapaso na ngayong taon. Pinirmahan na ni Pangulong R. Ferdinand Marcos Jr. ang bagong batas na nag-amiyenda sa RCEF upang mapalawig hanggang 2031. Binigyang-diin ni Tiu Laurel na ang bagong batas ay investment hindi lamang… Continue reading DA Chief, nagpasalamat sa kongreso dahil sa pagpapalawig sa RCEF hanggang 2031

Quad Comm, posibleng hindi na imbitahan pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na pagdinig; isyu ng POGO, posibleng isara na

Maaaring hindi na ipatawag ng Quad Committee si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na pagdinig ng Komite ukol sa isyu ng extrajudicial killings. Sa panayam kay Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers, sinabi niya na sasapat na ang mga naging pahayag at testimoniya ng dating pangulo nang humarap siya ika-labing isang pagdinig… Continue reading Quad Comm, posibleng hindi na imbitahan pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na pagdinig; isyu ng POGO, posibleng isara na

Mahigit 8000 kapulisan, ipapakalat ng NCRPO sa pagsisimula ng Simbang Gabi

Nagpakalat ang NCRPO sa pamumuno ni Acting Regional Director Police Brigadier General Anthony A. Aberin ng mahigit 8000 kapulisan sa buong Kamaynilaan. Katuwang dito ang AFP, PCG, LGUs, force multipliers at iba pang government agencies para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ngayong holiday season. Ayon sa NCRPO, madaragdagan pa ang naturang bilang hanggang sa pagsalubong… Continue reading Mahigit 8000 kapulisan, ipapakalat ng NCRPO sa pagsisimula ng Simbang Gabi

Ligtas Pinoy Center Act, magtitiyak ng disenteng matutuluyan ng mga Pilipinong maapektuhan ng sakuna at kalamidad ayon kay Sen Jinggoy Estrada

Mayroon nang masisilungan ang mga kababayan nating maaapektuhan ng anumang bagyo, kalamidad, o sakuna dahil sa bagong lagdang Ligtas Pinoy Center Act (RA 12076), ayon kay Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense Chairman Senador Jinggoy Estrada. Sinabi ni Estrada na sa tulong ng batas na ito ay matitiyak ang pagkakaroon ng… Continue reading Ligtas Pinoy Center Act, magtitiyak ng disenteng matutuluyan ng mga Pilipinong maapektuhan ng sakuna at kalamidad ayon kay Sen Jinggoy Estrada