Ligtas Pinoy Center Act, malaking tulong para hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante – Sen Gatchalian

Binigyang diin ni Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian na makakatulong ang bagong lagda na Ligtas Pinoy Center Act para hindi na gamitin ang mga paaralan bilang pansamantalang evacuation centers sa panahon ng mga sakuna. Sinabi ito ng senador, kasabay ng pagpuri sa paglagda sa batas na layong magpatayo ng permanenteng evacuation… Continue reading Ligtas Pinoy Center Act, malaking tulong para hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante – Sen Gatchalian

PLGU Catanduanes, LGU Virac, at Baras, ginawaran ng SGLG Award

Ginawaran ng “Seal of Good Local Governance” Award ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Catanduanes pati na ang LGU ng Virac at Baras. Ito’y matapos na makapasa ang nasabing LGUs sa 2024 SGLG Assessment na isinagawa ng DILG. Personal na tinanggap ang prestihiyosong parangal nina… Continue reading PLGU Catanduanes, LGU Virac, at Baras, ginawaran ng SGLG Award

Sen Zubiri, nanawagan ng pangmatagalang solusyon sa problema sa suplay ng kuryente sa Siargao Island

Nanawagan si Senador Juan Miguel Zubiri sa Department of Energy (DOE) at sa National Electrification Administration (NEA) na tugunan na ang nagpapatuloy pa ring power outages o pagkawala ng kuryente sa Siargao Island mula nitong Disyembre 1. Ayon kay Zubiri, nakatanggap siya ang mga tawag mula sa mga taga-Siargao na limang araw nang walang kuryente… Continue reading Sen Zubiri, nanawagan ng pangmatagalang solusyon sa problema sa suplay ng kuryente sa Siargao Island

Kagamitan sa panahon ng kalamidad, ipinamahagi ng lungsod ng Pasay sa mga brgy. nito

Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagbibigay ng mga rescue equipment sa ilang mga brgy. na nasasakupan nito. Ayon sa Pasay LGU, kabilang dito ang fiberglass boats, rescue life vests, ring buoys, water ropes, rescue cans, at rescue helmets. Partikular na ipinamahagi ang nasabing mga kagamitan sa mga brgy. na malapit sa ilog… Continue reading Kagamitan sa panahon ng kalamidad, ipinamahagi ng lungsod ng Pasay sa mga brgy. nito

405 out of 677 pangalan sa acknowledgement receipt sa confidential fund ng OVP at DEPED, walang record ng kapanganakan – PSA

Walang record ang Philippine Statistics Authority ng kapanganakan ng 405 mula sa kabuuang 677 na pangalan na pinasuri ng House Blue Ribbon Committee. Ito ang inanunsyo ni Manila Rep. Joel Chua, chair ng Komite sa pagpapatuloy ng kanilang pag-dinig. Matatandaan na isinumite ng komite sa PSA ang mga pangalan na nakasaad sa acknowledgement receipt na… Continue reading 405 out of 677 pangalan sa acknowledgement receipt sa confidential fund ng OVP at DEPED, walang record ng kapanganakan – PSA

Shear Line sa ITCZ, nagdulot ng mga pagbaha at landslide sa Albay; F2F classes, sinuspinde na

Nagdulot ng mga pagbaha at landslide ang nararanasang malalakas na pag-ulan, na epekto ng shear line at Intertropical Convergence Zone sa lalawigan ng Albay ngayong araw. Hindi madaanan ang kabilang bahagi ng kalsada sa Legazpi City, Albay, matapos bumagsak ang lupa dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan. Kaagad namang umaksyon ang lokal na pamahalaan para sa… Continue reading Shear Line sa ITCZ, nagdulot ng mga pagbaha at landslide sa Albay; F2F classes, sinuspinde na

Pagsasabatas ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, ikinalugod ng DepEd

Ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act. Layon nito na patatagin ang mga programang nagtataguyod sa ‘mental health’ sa mga Paaralan at lumikha ng bagong plantilla positions para sa mga school councelor. Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, makatutulong… Continue reading Pagsasabatas ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, ikinalugod ng DepEd

Publiko, pinag-iingat ng PNP sa mga gagawing online transaction ngayong holiday season

Pinag-iingat ng Philippine National Police ang publiko sa kanilang mga transaksyon online ngayong holiday season. Ayon kay PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, mahalagang maging mapagmatyag at iwasan ang pag-click sa anumang “suspicious links.” Dapat ding iwasan ang malalaking cash transactions upang hindi mabiktima ng online scammers. Nakatutok naman aniya ang PNP- Anti-Cybercrime Group sa… Continue reading Publiko, pinag-iingat ng PNP sa mga gagawing online transaction ngayong holiday season

Feast of the Immaculate Conception, ngayong araw ipinagdiwang sa Pasig City

Ipinagdiriwang ngayong araw ng mga taga Pasig City ang Kapistahan ng Immaculate Conception na nakatakda sana kahapon, Disyembre 8. Ayon sa Diocese of Pasig, nagkaroon anila ng paglilinaw mula sa Roma hinggil sa pagdiriwang ng nasabing kapistahan na natapat sa araw ng linggo. Una kasing nagpalabas ng kalatas ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines… Continue reading Feast of the Immaculate Conception, ngayong araw ipinagdiwang sa Pasig City

PNP-HPG, nagdeploy na ng mga tauhan para sa inaasahang dagsa ng mga motorista sa Metro Manila ngayong Holiday season

Handang umalalay ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga traffic enforcer sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila. Ito’y dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista ngayong papalapit na ang Pasko at kaliwa’t kanan na rin ang mga Christmas Party. Ayon kay PNP-HPG Director, PBGen. William Segun, aabot… Continue reading PNP-HPG, nagdeploy na ng mga tauhan para sa inaasahang dagsa ng mga motorista sa Metro Manila ngayong Holiday season