Higit 4,000 tonelada ng sulfur dioxide, ibinuga ng bulkang Kanlaon kahapon –Phivolcs

Aabot sa 4,208 na tonelada ng sulfur dioxide flux ang ibinuga ng bulkang Kanlaon kahapon. Sa ulat ng Phivolcs, sa nakalipas na 24 oras, nagparamdam ng 22 volcanic earthquake ang bulkan. Hindi naman kita ang pagsingaw ng bulkan dahil natatakpan ng ulap ang ituktok nito. Paalala ng Phivolcs na maaari pang maganap ang biglang  pagsabog,pagbuga… Continue reading Higit 4,000 tonelada ng sulfur dioxide, ibinuga ng bulkang Kanlaon kahapon –Phivolcs

DOLE, naglabas ng advisory para sa mga nasa industriya ng paputok o pyrotechnics ngayong nalalapit ang Pasko at Bagong Taon

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng establisyimento na gumagawa, nagdi-distribute, at nagbebenta ng paputok na sumunod sa mga itinakda ng Occupational Safety and Health Standards. Batay sa Labor Advisory No. 15, Series of 2024, layunin nito na tiyaking ligtas at maayos ang mga lugar ng trabaho upang maiwasan ang mga… Continue reading DOLE, naglabas ng advisory para sa mga nasa industriya ng paputok o pyrotechnics ngayong nalalapit ang Pasko at Bagong Taon

DOLE at PEZA, lumagda sa isang kasunduan para sa data sharing ng foreign employment sa mga ecozone

Nilgadaan ng Department of Labor and Employment o DOLE at Philippine Economic Zone Authority o PEZA ang isang kasunduan para sa data sharing ng mga dayuhang manggagawa sa mga economic zone sa bansa. Layon ng nasabing agreement na gawing mas mabilis at epektibo ang proseso ng employment permits at PEZA visas, bilang bahagi ng ‘green… Continue reading DOLE at PEZA, lumagda sa isang kasunduan para sa data sharing ng foreign employment sa mga ecozone

EcoWaste Coalition, nagpaalala sa mga taong nagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa public parks

Nagpaalala sa publiko ang Ecowaste Coalition para sa malinis at ligtas na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon partikular sa public parks.  Ang panawagan ay ginawa ng environmental group ilang araw bago ang Pasko. Tuwing Pasko at Bagong Taon anila, maraming pamilya ang nagpupuntahan sa mga pook pasyalan tulad ng Rizal Park sa Manila City,… Continue reading EcoWaste Coalition, nagpaalala sa mga taong nagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa public parks

SC pinagtibay ang desisyon na hindi sakop ng ancestral claims ang Baguio City sang-ayon sa IPRA

Pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon nito na hindi sakop ng Republic Act 8371 o Indigenous Peoples Rights Act of 1997 ang Baguio City pagdating sa ancestral claims. Sa resolusyong isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, ibinasura ng SC En Banc ang motion for reconsideration ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at… Continue reading SC pinagtibay ang desisyon na hindi sakop ng ancestral claims ang Baguio City sang-ayon sa IPRA

MMFF Parade of the Stars kasado na ngayong araw sa Lungsod ng Maynila

Kasado na ngayong araw ang engrandeng Parade of the Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa lungsod ng Maynila bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo ng festival. Simula alas-3:00 ng hapon, isasagawa ang parada mula Kartilya ng Katipunan, daraan sa mga pangunahing kalsada gaya ng P. Burgos, Jones Bridge, Tayuman, España, at Roxas Boulevard, bago… Continue reading MMFF Parade of the Stars kasado na ngayong araw sa Lungsod ng Maynila

Bilang ng mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon, nadadagdagan pa –DSWD

Tumaas pa ang bilang ng mga pamilya na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Kanlaon sa Negros. Batay sa huling ulat ng DSWD Western Visayas, may 7,144 pamilya o 21,862 indibidwal ang apektado mula sa 21 barangay ng pitong lugar sa paligid ng bulkan. Ito ay ang Bago City, La Castillana, Moises Padilla, La Carlota City,… Continue reading Bilang ng mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon, nadadagdagan pa –DSWD

Lawak ng pinsala sa agricultural lands na naapektuhan ng pagputok ng Mt. Kanlaon, umaabot na sa 297 ektarya

Nasa 297 ektarya ng agricultural areas sa Negros Island ang apektado na ng pagputok ng bulkang Kanlaon. Sa tala ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Department, nasa 780 magsasaka ang naapektuhan at 832 metric tons ng agricultural products ang hindi na napakinabangan. Sa kabuuan, umabot na sa P32.34 milyon ang  halaga ng… Continue reading Lawak ng pinsala sa agricultural lands na naapektuhan ng pagputok ng Mt. Kanlaon, umaabot na sa 297 ektarya