Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para tiyakin ang seguridad ng publiko sa pagpapalit ng taon.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, aabot sa 35,000 Pulis ang nakakalat ngayon sa iba’t ibang lugar katuwang ang force multipliers buhat sa iba pang ahensya ng Pamahalaan.
Gayunman, iginiit ni Fajardo na dahil sa pinakalas na intelligence gathering, wala silang namomonitor na anumang seryosong banta na maaaring makasira sa mapayapang pagsalubong sa bagong taon.
Subalit kaniyang tiniyak na hindi sila magpapaka-kampante at mananatiling nakataas ang kanilang alerto upang hindi malusutan ng mga masasamang loob. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: PNP-PIO