Panibagong resupply mission sa BRP Sierra Madre, tagumpay

Maayos na naisagawa ang huling Rotation and Resupply (RoRe) Mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ito ang inanunsyo ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla ngayong umaga. Bagama’t hindi nagbigay ng detalye sa huling RoRe mission, sinabi ni Padilla na naging “flawless” o walang aberya, ang… Continue reading Panibagong resupply mission sa BRP Sierra Madre, tagumpay

PNP Chief, nakiramay sa pamilya ng mga pulis na nasawi sa operasyon sa Samar

Nagtungo si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa Calbayog City ngayong araw para personal na makiramay sa pamilya ng mga pulis na nasawi sa operasyon laban sa notoryus na Ampoan Criminal Group. Kasabay nito binisita din ni Gen. Acorda ang mga pulis na sugatan sa naturang operasyon, na nagpapagaling sa ospital. Sa pakikipagusap… Continue reading PNP Chief, nakiramay sa pamilya ng mga pulis na nasawi sa operasyon sa Samar

4 nasawi sa pagsabog ng pabrika ng paputok sa Cabuyao, Laguna

Apat ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring pagsabog at sunog sa pabrika ng Paputok sa Cabuyao, Laguna kahapon,Pebrero 1. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO 4A) na nakarating sa Camp Crame, nangyari ang pagsabog sa Diamond Fireworks Inc. sa Lebrilla-Aquino, Purok 3 Brgy. Bigaa, Cabuyao City, Laguna bandang alas-3 ng hapon kahapon, na nagresulta sa… Continue reading 4 nasawi sa pagsabog ng pabrika ng paputok sa Cabuyao, Laguna

Panawagan na humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas, tinutulan ni Sec. Galvez

Umapela si Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga mamayan na talikuran ang panawagan na kumalas ang Mindanao sa Pilipinas. Sa isang kalatas, sinabi ni Galvez na ang naturang hakbang ay kabaliktaran ng itinatakda sa konstitusyon, na saligan ng pagkakakilanlan ng Pilipinas. Kontra din aniya… Continue reading Panawagan na humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas, tinutulan ni Sec. Galvez

Party-list solon, ikinagalak ang pagsisimula ng pamamahagi ng P1000 social pension para sa mga indigent senior citizen

Welcome para kay Senior Citizens Party-list at Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pagsisimula ng pamamahagi ng P1,000 na social pension para sa mga indigent senior citizen. Ayon kay Ordanes, nagbunga ang kanilang pagsusumikap na isulong ang ikagiginhawa ng mga senior citizen sa bansa. Mula sa dating P500 ay nadoble ito matapos maging ganap na batas… Continue reading Party-list solon, ikinagalak ang pagsisimula ng pamamahagi ng P1000 social pension para sa mga indigent senior citizen

Higit 200 senior citizens, unang tumanggap ng mas mataas na social pension sa DSWD

Aabot sa 250 mahihirap na senior citizens sa Metro Manila ang buena manong nakatanggap ngayong araw ng dobleng social pension nila sa Department of Social Welfare and Development. Pinangunahan mismo ni First Lady Liza Araneta Marcos at DSWD Sec. Rex Gatchalian ang ceremonial payout para sa mga senior sa DSWD Central Office sa Batasan, Quezon… Continue reading Higit 200 senior citizens, unang tumanggap ng mas mataas na social pension sa DSWD

Super Health Center, sisimulan nang itayo sa bayan ng Rosario, La Union

Inaasahang masisimulan na ang pagtatayo ng Super Health Center (SHC) sa Barangay Inabaan Sur, Rosario, La Union. Ito ay pagkatapos isagawa ang groundbreaking nitong ika-30 ng Enero 2024. Pinangunahan ni Mayor Bellarmin Flores II ang seremonya kasama ang mga kinatawan ng Department of Health, Provincial Health Office at mga opisyal ng munisipyo at barangay. Ang… Continue reading Super Health Center, sisimulan nang itayo sa bayan ng Rosario, La Union

Higit 9,000 magsasakang naapektuhan ng shear line, tutulungan ng DA

Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang tulong nito para sa 9,139 na mga magsasaka sa Davao at CARAGA na apektado ng pag-ulang dulot ng shear line. Ayon sa DA, may direktiba na si Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. para sa pagde-deploy ng agricultural inputs at financial support sa mga apektadong magsasaka. Kabilang dito… Continue reading Higit 9,000 magsasakang naapektuhan ng shear line, tutulungan ng DA

4 na suspek sa panununog ng modern jeepney sa Catanauan, Quezon, arestado

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang apat na suspek sa panununog kamakalawa ng isang modern jeepney sa Catanauan, Quezon. Kinilala ni Area Police Command – Southern Luzon (APC-SL) Director Police Lt. Gen. Rhoderick Armamento ang mga arestadong suspek na sina: Ernesto Toriado Orcine, Noel Cervantes Mariano, Dominic Valerio Ramos, at Jade Francis Cabales Castro.… Continue reading 4 na suspek sa panununog ng modern jeepney sa Catanauan, Quezon, arestado

DSWD, tiniyak na di magagamit sa politikal na interes ang mga programa ng ahensya

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na hindi magagamit sa politika ang mga programa at serbisyo ng ahensya. Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, walang basehan at walang katotohanan ang lahat ng mga alegasyon na umano’y nagagamit ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program… Continue reading DSWD, tiniyak na di magagamit sa politikal na interes ang mga programa ng ahensya