Mga pamilyang nasunugan sa Malabon City, binigyan ng ayuda ng Malabon LGU at DSWD

Magkatuwang na namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Malabon City Social Welfare at Development Department sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay Panghulo. Ayon sa Malabon City LGU, bawat pamilya ay nakatanggap ng hygiene kit, sleeping kit, kitchen kit, relief supplies, at family food packs. Ang pamamahagi ay pinangunahan nina… Continue reading Mga pamilyang nasunugan sa Malabon City, binigyan ng ayuda ng Malabon LGU at DSWD

Sen. Pimentel, isinasapinal na ang ihahaing petisyon na kwekwestiyon sa 2024 national budget

Tinatapos na ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang outline ng kanyang ihahaing petisyon sa Korte Suprema para kwestyunin ang legalidad o constitutionality ng 2024 national budget. Ayon kay Pimentel, kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang makapaghain na sana sila ng petisyon sa Korte Suprema ngayong buwan ng Enero at kung mas mapaaga… Continue reading Sen. Pimentel, isinasapinal na ang ihahaing petisyon na kwekwestiyon sa 2024 national budget

Lehislatura, nagawa na ang lahat para makaalis ang Pilipinas sa gray list ng Financial Action Task Force ayon kay Sen. Escudero

Iginiit ni Senador Chiz Escudero na nasa kamay na ng ehekutibo ang pag-aksyon para makawala ang ating bansa sa gray list ng Financial Action Task Force (FAFT). Ayon kay Escudero, dapat pahusayin at higpitan ang regulasyon sa money remittances at terror financing system at gamitin ang economic data ng pamahalaan. Sinabi ng senador na sa… Continue reading Lehislatura, nagawa na ang lahat para makaalis ang Pilipinas sa gray list ng Financial Action Task Force ayon kay Sen. Escudero

Dalawa sa tatlong mga suspek ng ‘Ozamiz Mall’ robbery, patuloy pang pinaghahanap ng Ozamiz Police

Patuloy pang pinaghahanap ng mga operatiba ng Ozamiz City Police Office ang dalawa sa tatlong mga suspek na nagnakaw sa loob ng Gaisano Mall sa Ozamiz City. Ayon kay Police Major Dennis Tano, hepe ng Ozamiz City police, nagpapatuloy ang kanilang manhunt operation laban sa dalawang nagtatagong mga suspek. Matatandaan na umabot sa P41.7-million halaga… Continue reading Dalawa sa tatlong mga suspek ng ‘Ozamiz Mall’ robbery, patuloy pang pinaghahanap ng Ozamiz Police

Nasiraang bapor sa karagatan ng Basilan, sinaklolohan ng Naval Forces Western Mindanao

Sinaklolohan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang isang bapor na may sakay na 120 pasahero, na nasiraan ng makina sa karagatan ng Basilan. Sa ulat ni Lieutenant Chester Ross Cabaltera, Acting Public Affairs Officer ng NFWM, na-monitor ng NFWM Littoral Monitoring Station (LMS) sa Pilas, Hadji Muhtamad, Basilan ang distress call ng Motor Banca… Continue reading Nasiraang bapor sa karagatan ng Basilan, sinaklolohan ng Naval Forces Western Mindanao

ERC, iniimbestigahan na ang malawakang brownout sa Panay Island

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) kaugnay sa nangyaring malawakang brownout sa buong Isla ng Panay na nagsimula kahapon ng hapon. Kasunod nito, inihayag ng Department of Energy (DOE) na kumikilos na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para tiyaking maibabalik sa takdang panahon ang suplay ng kuryente sa lugar.… Continue reading ERC, iniimbestigahan na ang malawakang brownout sa Panay Island

Pagtitipid sa tubig at kuryente, dapat sundin sa gitna ng nagbabadyang epekto ng mas matinding El Niño ngayong taon

Photo courtesy of Rep. Len Alonte FB

Nagpaalala ang isang mambabatas na dapat ay mahigpit na ipatupad ang mga batas at hakbang para sa pagtitipid ng tubig at kuryente. Ito’y bunsod na rin ng inaasahang epekto ng mas pinatinding El Niño ngayong taon. Ayon kay House Committee on Ecology Chair Marlyn Alonte, mahalaga na simulan ang water at energy conservation bilang paghahanda… Continue reading Pagtitipid sa tubig at kuryente, dapat sundin sa gitna ng nagbabadyang epekto ng mas matinding El Niño ngayong taon

Pahayag ng Makati City LGU hinggil sa pagsasara ng health centers sa 10 EMBO Barangay, walang katotohanan – Taguig LGU

Tinawag na kasinungalingan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang naunang pahayag ng Makati City LGU hinggil sa pagsasara ng mga health center at lying-in clinics sa 10 Enlisted Men’s Barrio o EMBo Barangays. Ito’y matapos ihayag ng Makati City LGU na kailangan nang isara ang mga health center at lying-in clinic dahil sa paso o… Continue reading Pahayag ng Makati City LGU hinggil sa pagsasara ng health centers sa 10 EMBO Barangay, walang katotohanan – Taguig LGU

LRT-2, nakapagtala ng record-high na mahigit 49-M pasahero noong 2023

Umabot sa 49,428,465 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa LRT Line 2 noong 2023. Ito na ang pinakamataas na bilang ng ridership mula noong magkaroon ng pandemya. Ayon sa LRTA, malaki ang itinaas ng ridership ng LRT-2 noong 2023 kumpara sa naitalang mahigit 31 milyon noong 2022, mahigit 11… Continue reading LRT-2, nakapagtala ng record-high na mahigit 49-M pasahero noong 2023

Signal jamming at no fly zone, ipatutupad sa Traslacion 2024

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. na magpapatupad ng signal jamming at no fly zone sa Lungsod ng Maynila sa mismong araw ng Traslacion 2024 sa Enero 9. Ito ang pahayag ni Acorda sa isang ambush interview sa Kampo Crame ngayong hapon. Ayon sa PNP Chief, walang oras na… Continue reading Signal jamming at no fly zone, ipatutupad sa Traslacion 2024