Muntinlupa RTC, pinapatigil na ang pagpapakalat ng movie trailer ng The Rapist of Pepsi Paloma

Naglabas na ng desisyon ang Muntinlupa Regional Trial Court branch 205 na pumapabor sa hiling ng kampo ng aktor na si Vic Sotto, na itigil na ang pagpapakalat ng movie trailer kung saan sinasabing rapist ang TV host actor. Ayon kay Atty. Buco dela Cruz, nagsumite sila ng writ of habeas data laban sa movie… Continue reading Muntinlupa RTC, pinapatigil na ang pagpapakalat ng movie trailer ng The Rapist of Pepsi Paloma

Mahigit 100 SAF, nakatakdang ideploy sa Samar ngayong Eleksyon 2025—PNP

Dahil sa ilang insidente ng karahasan sa lalawigan ng Samar nitong mga nakaraang taon, nakatakdang mag-deploy ng karagdagang pwersa ang Philippine National Police sa lalawigan ng Samar ngayong darating na 2025 midterm elections. Sa panayam kay Samar Police Provincial Office (SPPO) Provincial Director PCol. Antonietto Eric A. Mendoza, iginiit nitong dahil sa kasaysayan ng karahasan… Continue reading Mahigit 100 SAF, nakatakdang ideploy sa Samar ngayong Eleksyon 2025—PNP

National Election Monitoring Action Center sa Camp Crame, binuksan na

Pormal nang binuksan ang National Election Monitoring Action Center (NEMAC) sa Camp Crame ngayong araw. Ito ay bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Halalan 2025 sa Mayo. Pinangunahan nina Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia, Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil, at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief… Continue reading National Election Monitoring Action Center sa Camp Crame, binuksan na

Mahigit 400 lugar sa bansa, isinailalim sa ‘areas of concern’ ng Comelec para sa Eleksyon 2025

Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ang mga lugar sa buong bansa na kabilang sa ‘areas of concern’ para sa darating sa Eleksyon 2025. May apat na kategorya ang areas of concern kabilang dito ang green category, yellow catergory, orange category, at red category. Batay sa listahan ng Comelec, nasa 403 ang mga lugar na… Continue reading Mahigit 400 lugar sa bansa, isinailalim sa ‘areas of concern’ ng Comelec para sa Eleksyon 2025

Problema sa Right of Way ng Phase II ng LRT Line 1 Cavite Extension project, 94% nang natugunan.

Positibo ang Department of Transportation (DOTr) na maisasakatuparan pa rin sa itinakdang panahon ang Phase II ng LRT Line 1 Cavite Extenstion project. Ito ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista ay dahil sa kasalukuyan, ang problema ng proyekto sa right of way, nasa 94% nang kumpleto. Ibig sabihin, ang natitirang 6% na lamang ng problema… Continue reading Problema sa Right of Way ng Phase II ng LRT Line 1 Cavite Extension project, 94% nang natugunan.

Marcos Administration, sisiguruhing mananatili ang Pilipinas sa white list ng Int’l Maritime Organization

Nakatutok ang pamahalaan sa pagpapabuti pa ng Maritime Industry ng Pilipinas, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at polisiya para dito. Ang pagpasok ng bansa sa white list ng International Maritime Organization noong 2024, isa sa mga milestone ng transportation sector ng Marcos Administration noong nakaraang taon. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department… Continue reading Marcos Administration, sisiguruhing mananatili ang Pilipinas sa white list ng Int’l Maritime Organization

House leaders, di na ikinagulat ang resulta ng SWS survey na 41% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa impeachment vs VP Duterte

Hindi na ikinagulat ng ilang House leaders ang dumaraming suporta sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Kasunod ito ng resulta ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabi na 41 percent ng mga Pilipino ang suportado ang impeachment laban sa Pangalawang Pangulo. Ayon kay House Assistant Majority Leader Jay Khonghun, ipinapakita nito na… Continue reading House leaders, di na ikinagulat ang resulta ng SWS survey na 41% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa impeachment vs VP Duterte

Administrasyong Marcos Jr., di titigil na pagandahin ang labor market at economic landscape ng bansa

Ipinagmalaki ni Finance Secretary Ralph Recto ang natamong 3.2 percent unemployment rate para sa buwan ng Nobyembre 2024. Ito na ang pangalawang pinakamababang naitalang unemployment rate simula 2023. Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng naitalang 49.5 million na mga Pilipino na may trabaho, mas mataas sa 48.2 million noong Oktubre 2024. Ayon kay Recto, ang… Continue reading Administrasyong Marcos Jr., di titigil na pagandahin ang labor market at economic landscape ng bansa

Pinaka-unang river ambulance sa Eastern Visayas, nai-turn-over na ng DOH sa Maslog, Eastern Samar

Photo Courtesy by DOH Eastern Visayas Naiturn-over na ng Department of Health (DOH) Eastern Visayas ang pinaka-unang river ambulance sa Bayan ng Maslog, Eastern Samar nitong Miyerkules, ika-8 ng Enero, 2025. Idinesenyo ang naturang pasilidad upang gawing mas madali ang transportasyon o hospital referral ng mga residente na nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Matatandaang malaking… Continue reading Pinaka-unang river ambulance sa Eastern Visayas, nai-turn-over na ng DOH sa Maslog, Eastern Samar

Traslacion 2025 sa Davao Region, dinagsa ng libu-libong deboto ng Poong Hesus Nazareno

Dinagsa ng libu-libong katao ang isinagawang Traslacion 2025 sa imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Davao Region, Huwebes ng umaga. Unang nagsimula ang Traslacion 2025 sa Sagrado Corazon De Nazareno sa Tagum City, Davao del Norte bandang alas-5:00 ng umaga. Aabot sa 1,000 ang mga dumagsa na mga deboto kung saan nag-ikot ito sa ilang… Continue reading Traslacion 2025 sa Davao Region, dinagsa ng libu-libong deboto ng Poong Hesus Nazareno