Aabot sa 12,168 pulis at bumbero ang ikakalat ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa Traslacion 2025.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), inaasahang dadagsa ang milyon-milyong deboto sa Quiapo Church sa Maynila.
Sa panig ng Manila Police District, pakikilusin nito ang
2,554 pulis para pangalagaan ang mga deboto ng poong Hesus Nazareno.
Habang ang Northern at Southern Police Districts, Quezon City Police District, Police Regional Office-3 at 4A, bawat isa ay magpapadala ng contingent na 1,500 police personnel mula sa kani-
kanilang istasyon.
Magtatalaga naman ng 848 pulis ang Regional Mobile Force Battalion, 766 mula sa National Capital Region Police Office, at 500 mula sa Eastern Polic District.
Nauna nang inihayag ng PNP ang pagpapatupad ng security plan sa pakikipag-ugnayan sa Lungsod ng Maynila, iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at iba pang stakeholder.
Samantala, naka-standby din ang 149 na bumbero at isang team ng anti-chemical, biological, radiological, at nuclear threats personnel mula sa Bureau of Fire Protection. | ulat ni Rey Ferrer