Photo courtesy of Department of Agrarian Reform
Pabibilisin ng Department of Agrarian Reform ang konstruksyon ng mga proyektong farm-to-market roads sa lalawigan ng Romblon.
Nakipagtulungan na ang DAR sa local government units ng lalawigan para maisakatuparan ang mga proyekto sa Agrarian Reform Communities ngayong taong 2025.
Nakipagpulong ang mga opisyal ngDAR sa mga local chief executive ng mga bayan ng Alcantara at Looc para sa pagsismula ng proyekto.
Sa sandaling matapos ang farm-to-market roads, makapagbibigay ito ng maraming oportunidad sa merkado tulad ng mga produktong agrikultural ng mga magsasaka.
Sa pamamagitan din nito ay mabilis nang mailalabas ang mga produkto papunta sa iba’t ibang bayan. | ulat ni Rey Ferrer