Nananatiling sapat ang presensya ng pwersa ng seguridad sa lalawigan ng Basilan kaugnay ng BARMM Parliamentary Elections ngayong araw.
Ito ang inihayag ni Basilan Governor Mujiv Hataman, kung saan batay aniya sa mga briefing kasama ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, maganda ang naging preparasyon at sapat ang pwersa ng kapulisan at militar upang masiguro na magiging maayos ang proseso ng halalan sa nasabing probinsya.
Aniya, ang karagdagang presensya ng militar ay patunay sa kagustuhan ng mga mamamayan na maging matagumpay ang kauna-unahang BARMM Elections, na siyang resulta ng deka-dekadang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang armadong grupo at ng pamahalaan.
Samantala, ayon naman kay Lamitan City Chief of Police, PLt. Col. Janz Vladimir Hilarion, nananatiling maayos at kontrolado ang sitwasyon sa lungsod matapos marekober ang isang IED sa Barangay Cabobo at nakapagsagawa ng ‘controlled explosion’ ang mga awtoridad dakong alas-5 kaninang umaga.