CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 80?
Nakatakdang humarap sa Sandiganbayan Third Division ang mga doktor mula sa UP-Philippine General Hospital (PGH) para sa pagdinig kaugnay ng medical condition ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Ito’y matapos na magsagawa ng independent medical examination ang UP PGH nitong weekend sa dating House Speaker.
Matatandaang dinala si Romualdez sa PGH mula sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City para masuri kung kailangan pa niyang manatili sa ospital o maaari nang ilipat sa Quezon City Jail.
Samantala, inilipat sa Miyerkules, September 16 ang arraignment ni Romualdez.
Si Romualdez ay nahaharap sa ₱7.4-bilyong plunder case kaugnay ng umano’y kickback scheme sa mga flood control project.