Nakahanda ang Quezon City Police District (QCPD) na tiyakin ang seguridad at kaayusan sa dalawang araw na transport strike at protest rally ng MANIBELA simula ngayong araw, September 14 at 15.
Inaasahang magsisimula ang protesta sa Welcome Rotonda sa Quezon City at tutungo sa CRB Mendiola sa Maynila.
Magde-deploy naman ang QCPD ng mga tauhan sa mga strategic location para mapanatili ang police visibility, makatulong sa mga commuter, maayos ang daloy ng trapiko, at agad na rumesponde sa anumang insidente.
Kasunod nito, nanawagan ang QCPD sa mga kalahok na gamitin nang mapayapa at naaayon sa batas ang kanilang karapatang magpahayag at igalang ang kaligtasan at karapatan ng ibang mamamayan.