Nakatakdang tumanggap ngayong Lunes ng kani-kanilang land titles ang halos 1,000 pamilya mula sa iba’t ibang panig ng bansa bilang bahagi ng patuloy na rollout ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o 4PH Program ng administrasyong Marcos.
Pangungunahan nina DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at Social Housing Finance Corporation President Federico Laxa ang paggawad ng hindi bababa sa 913 land titles sa mga benepisyaryo ng Enhanced Community Mortgage Program o ECMP.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga miyembro ng iba’t ibang homeowners at neighborhood associations mula sa iba’t ibang rehiyon.
Ayon kay Sec. Aliling, layon ng programa na mailapit ang sapat at makabuluhang serbisyo sa mga Pilipino, partikular sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Sa ngayon, nasa 47 ECMP projects na ang naaprubahan ng DHSUD na nakikinabang ang humigit-kumulang 8,000 pamilya sa buong bansa.