Sinabi ni Senator-Judge Juan Miguel Zubiri na sapat na sa kasalukuyan ang firearms law, pero maaari aniya amyendahan ang batas para mas maging mahigpit ang safe keeping ng mga baril.
Sa day 30 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, iginiit ni Zubiri na hindi dapat agad iugnay sa private armies ang pagmamay-ari ng maraming registered firearms dahil may mga patakaran at permit na kailangang sundin ng licensed gun owners.
Ayon kay Zubiri, bilang collector o type 5 license holder, maaaring magkaroon ng maraming firearms ang isang tao basta sumusunod sa mga requirement kabilang ang tamang pag-iingat at pagkuha ng permit kapag ilalabas ang mga baril para dalhin sa shooting range o ibang lugar.
Sinabi rin niyang karaniwang unlicensed firearms ang ginagamit ng mga private army at ilang armadong grupo habang ang licensed gun owners ay kailangang sumunod sa registration at iba pang requirements ng PNP.
Gayunman, iminungkahi ni Zubiri na pagtuunan ng pagbabago ang batas sa ligtas na pag-iimbak ng firearms lalo na dahil may mga insidenteng ginagamit sa krimen ang licensed firearms na pag-aari ng mga magulang o kamag-anak.
Aniya, dapat managot ang gun owner kung mapabayaan ang baril at magamit ito sa krimen.
Sinabi ni Zubiri na makatutulong ang mas mahigpit na safe-keeping requirements para maging mas epektibo ang pagpapatupad ng firearms law.